Miren's Blood
Humarap siya sa amin habang patalikod na lumalakad, "hindi, may mga iba rito na tao rin pero naging bampira lang. May mga kalahating bampira at kalahating tao, katulad ko! At, mayro'n ding purong mga tao."
Napatanga kami sa sinabi niya, may purong tao na nandito sa kaharian nila?
Mukhang nakita niyang nagtataka kami ni Fille, "purong tao pero nawalan ng alaala o sa maikling sabi mas pinili nilang sumama rito at kalimutan ang mundo ng mga tao, mundo niyo." paliwanag niya sa amin at tumingin na ulit sa kanyang harapan.
Hot Chapters