Pangarap Kong Matikman Ka
Tahimik sa loob, at tanging tunog ng mga hakbang namin ang naririnig ko.
Pagkaupo namin, biglang nagsalita si Sir Corvus, “Alam mo ba ang mga kuwento tungkol sa mga tagapagtanggol ng mga tao laban sa mga demonyo dito sa Pilipinas?”
Napakunot ang noo ko. Oo, alam ko ang mga kuwentong iyon. Madalas akong makarinig ng mga alamat tungkol sa mga mandirigmang lumalaban sa mga nilalang mula sa dilim para protektahan ang mga tao. May mga kuwento pa ngang naglalaman ng mga kwento ng mga tagapagtanggol na hindi nakikita ng ordinaryong mata, mga bayani na naglilingkod nang palihim, pero hindi ko inasahang maririnig ko ang tungkol dito mula kay Sir Corvus mismo.
الفصول الرائجة