Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Substitute Bride

The Billionaire's Substitute Bride

Si Raheel Del Fuego, ang tagapagmana ng Del Fuego Industries, ay handang magsimula ng bagong buhay kasama ang kaniyang bride—ngunit biglang nawala ito. Habang abala sa paghahanap, isang babaeng hindi inaasahan ang magpapabago sa kaniyang kapalaran. Si Anabelle Enriquez, isang simpleng cashier, ay nagsusumikap para sa buhay ng kaniyang may sakit na ina. Nang iligtas niya ang Lolo ni Raheel mula sa mga armadong kalaban, hindi niya alam na ang kaniyang kabutihan ay magbubukas ng pintuan sa isang kasunduan na magbabago ng lahat. Upang makapagbayad ng utang-loob, inalok siya ng matanda ng kasal kay Raheel, isang hakbang na makaliligtas sa buhay ng kaniyang ina. Pumayag si Anabelle, ngunit hindi niya inaasahan ang bagong mundong puno ng yaman, lihim, at mga pagsubok. At nang magbalik ang dating fiancé ng kaniyang asawa, muling magbabalik ang mga sugat ng nakaraan. Pagtitiwalaan ba ni Anabelle ang kasal na puno ng sakripisyo, o maghahanap siya ng kaligayahan sa labas ng kasunduan? Book 1: Completed Book 2: Completed Book 3: Completed
Romance
1073.7K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
Deigratiamimi
Hi po. If you are wondering kung bakit ang haba ng chapters, starting from chapter 138 ay book 2 na po. Story sa eldest child nina Anabelle at Raheel na si TJ. Book 1: Anabelle and Raheel (Chapter 1-137) Book 2: Kaisha and TJ (Starting from Chapter 138) Maraming salamat at happy 41kviews! 🩷
Papamooooo
May nakita akong nagagalit sa comment HAHAHAHAHA nakikita ko ang sarili ko sa kanila, pero nang ipinagpatuloy ako sa pagbabasa, sheeeett para akong naiihi sa kilig ng lovestory ni Tj at Kaisha. Author ang ganda ng story nila. Bawing-bawi ang inis ko sa kwento ng mga magulang ni TJ.
Read All Reviews
Living with my Sister's Husband

Living with my Sister's Husband

Marya_makata
"You can fool my eyes but not my heart" *** Adrina Cordovez is living her life to the fullest. Simple ang kanyang buhay sa Miami, Florida hanggang sa sumulpot sa pintuan ng kanyang apartment si Siara Del Prado. Ibinalita nitong patay na si Kelly, ang kanyang kakambal na naiwan sa Pilipinas. Nakiusap ito sa kanyang magpanggap bilang ang nakatatandang kapatid habang hindi pa nila alam kung ano ang sanhi nang bigla nitong pagkamatay. Nangako si Siara na bukod sa makakatanggap ng malaking perang kailangan niya para masimulan ang pangarap na flower shop ay hahanapin din nito ang kanyang ina na matagal na niyang nais makapiling. She was left with no choice but to come back and pretend. She has to know what is the real reason behind Kelly's death. How ironic dahil matagal niyang tinakbuhan ang Pilipinas at lahat ng mga ala-alang nakalakip niyon. Sa muling pagtapak sa bayang sinilangan, ang lahat ng mga bagay na pilit niyang kinakalimutan ay unti-unting nagbalik kasama na doon ang kanyang childhood crush— si Emir, na napangasawa pala ni Kelly. Ang sama ng loob na kinimkim ay isa-isang nagsisipaglabasan habang tumatagal na kasama niya ito. Will she be able to solve the mystery behind the sudden death of her sister? How can she pretend as the wife of the jerk who shattered her young heart years ago?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Noted, Akin Ka!

Noted, Akin Ka!

Maria Angela Gonzales
"Palagi na lang kasi akong nari-reject kapag nagpapasa ako ng libro ko sa Good Nobela at hindi ako pwedeng ma-reject this year. Alam mo namang may usapan kami ng Daddy. Hindi na niya ako pipilitin na mag-masteral kapag may naipasa akong libro. Eh, lagi akong nari-reject dahil nga ang mga sinusulat ko raw ay walang kilig. Kailangan daw mag-focus ako sa nararamdaman ng bida kapag nandyan ang mahal niya." -- Jornaliza Smith Ang nais lang naman ni Jornaliza Smith ay maging sikat na manunulat kaya nagpaturo siya sa bestfriend niyang si Luigi Chances kung paanong maging ‘manyak’. Kahit kasi kahit 23 years old na siya hindi pa siya nakaranas ng first kiss. So, paano pa niya mailalarawan kung paanong umakyat sa ikapitong glorya? On going na ang 'erotic session' nila ni Luigi ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto at nakita sila ng kanyang Daddy na saksakan ng konserbatibo. Kaya, wala sa oras na napamartsa si Jornaliza sa harap ng altar. Shucks, ang nais lang niya ay maging sikat na manunulat, paano niya gagampanan ang papel bilang asawa kung wala namang spark sa pagitan nila ni Luigi? Eh, bakit parang may dumadaloy na milyun-milyong boltahe ng kuryente sa kanyang katawan kapag hinahalikan siya ng bestfriend niya?
Romance
9.88.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss

The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss

"Sa tingin mo ba na pipiliin ka ng CEO boss natin? Kagaya ng isang cheap na katulad mo... Na isang assistant lamang niya?" ani sa akin ng pinakamagandang babae sa department nung team dinner namin. Natahimik naman ako dahil sa sinabi nito sa akin at napayuko ako. Mabuti hindi pa dumadating ang asawa ko at hindi niya maririnig ang insulto na sinasabi sa akin. "Look at you. No fashion sense and also a nerd lady... So manang. Ang gusto ng boss natin ay ang mga kagaya namin na fresh at magaganda." Napakamao ako pero nananatili pa rin akong kalmado sa nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito sila sa akin. Biglang natahimik ang lahat nang biglang bumukas ang pintuan at napatingin naman ako roon at nakita ko si Nando na kakarating lang. Umupo siya sa upuan niya at katabi niya ang babaeng yun na kinakunot ng noo niya. Napatingin naman siya sa babaeng nasa tabi niya. "Bakit ka nakaupo sa tabi ko?" Natigilan naman ang babae at parang namutla dahil sa malamig na sinabi ng asawa ko. Napatingin naman siya sa akin na kinagulat ko. "Come sit with your husband." Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa asawa ko at bigla namang natahimik ang buong kwarto dahil sa sinabi nito. What the... ****** LMCD22
Romance
1011.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

Gumuho ang mundo ni Mallory nang matuklasan niya ang kanyang pagbubuntis! Ang ama? Ang kilalang propesor sa pinapasukan nitong unibersidad! Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang pinapili pa sa kanya ni Professor Leviste ang dalawang bagay na maaari niyang gawin…ipalaglag ang bata, o ikasal siya rito. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob upang pumayag siyang ikasal siya rito pero hindi niya naman kayang ipagkait sa bata ang pagkakataong lumaking walang ama. Sa isang iglap, ang simpleng estudyante na si Mallory ay naging “Mrs. Leviste” — asawa ng isang lalaking kilala sa katalinuhan ngunit may pusong tila yelo. Ngunit, pagkatapos ng pag-iisang dibdib ng dalawa ay magkahiwalay silang natutulog at magkahiwalay na nabubuhay sa parehong bubong. Hanggang sa isang gabi na kumatok si Theodore sa kanyang pintuan, yakap ang isang malaking unan. "Nasira ang heater sa kwarto ko," paliwanag pa nito sa malalim na boses na may bahid ng kahihiyan. "Pwede…pwede bang dito muna ako matulog ngayong gabi?" Walang nagawa si Mallory kundi ang pumayag. Isang gabi na naging dalawa... na naging araw-araw. Sa ilalim ng iisang bubong, matutuklasan kaya nila ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, o mananatili silang bilanggo ng kasunduan na pinasok nilang pagkakamali?
Romance
67 viewsOngoing
Read
Add to library
ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)

ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)

Narnia Melpomene Alvarez—ang tinaguriang "rebelde" na kakambal ni Urania, ayon sa kaniyang tiyuhin na si Luis Grimaldi. Buong buhay niya, iisa lang ang kanyang layunin: ang makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang, anuman ang kapalit. Sa murang edad pa lamang, buo na ang kanyang loob na ipaglaban ito, kahit sariling buhay ang isugal, lalo na para sa natitira niyang pamilya—ang kakambal niyang si Urania. Kaya’t hindi na nakapagtataka nang sumali siya sa isang lihim na grupo na konektado sa underground society. Alam niyang delikado ito, pero iyon ang tanging paraan para maabot ang matagal niyang pinapangarap. Ngunit isang gabi ang nagbago ng lahat—isang gabing ginulo ng hindi inaasahang estranghero. Ang pagtulong niya kay Zuhair Eros Smith ay tila isang maling hakbang na hinding-hindi niya makakalimutan. Bigla na lang napasok si Eros sa buhay niya—isang lalaking misteryoso, mapang-asar, at puno ng mga lihim. Wala sa plano ni Narnia ang pagbukas ng kanyang puso para sa sinuman, lalo pa’t hindi niya lubos kilala ang lalaking tila may koneksyon sa kanyang madilim na nakaraan. Hanggang saan ang kaya niyang isugal para sa pangako niya sa kanyang pamilya? Paano kung ang taong nagbubukas ng pintuan sa pagmamahal ay isa ring susi sa kasinungalingan? At paano kung ang laban para sa hustisya ay makasira sa pag-ibig na unti-unting namumuo? Ngayong nagbabanggaan ang kanyang puso at prinsipyo, kailangan niyang pumili: ipaglaban ang nakaraan o tanggapin ang pagmamahal na dala ng lalaking hindi niya sigurado kung kaibigan o kalaban.
Mafia
102.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
644 viewsOngoing
Read
Add to library
My Cold Boss, My Secret Husband

My Cold Boss, My Secret Husband

Sa mata ng lahat, isa lang akong ordinaryong secretary na walang halaga sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Tahimik akong gumagalaw sa opisina habang pinapanood ang mga kasamahan kong halos sambahin ang malamig, makapangyarihan, at walang pusong CEO—si Evander de la Cruz. Para sa kanila, siya ang lalaking hindi kailanman bababa sa antas ng isang tulad ko. Pero ang hindi nila alam… asawa ko siya. Isang taon na mula nang ikasal kami nang palihim. Sa harap ng lahat, ako’y parang alipin lang ng trabaho, at siya nama’y boss na ni hindi ako pinapansin. Pero sa likod ng saradong pintuan ng kanyang opisina, nagbabago ang lahat. Doon, siya ang lalaking sabik sa aking haplos, handang lumuhod para lamang maramdaman ang init ng aking pagmamahal. Pinili kong itago ang aming kasal upang patunayan na kaya kong magsikap gamit ang sarili kong pangalan. Ngunit habang tumatagal, mas nagiging lantad ang pag-aangkin ni Evander—at mas nagiging mapanganib ang mundo sa paligid namin. Lalo na nang magsimulang gumalaw si Clarisse Montenegro, ang ambisyosang team leader na gagawin ang lahat para siraan ako at mapasakanya si Evander. At mas lalong lumala ang lahat nang pumasok sa eksena si Alessandro Cortez, ang tuso at mapanganib na CEO ng partner company na nahulog sa akin at handang gamitin ang negosyo para agawin ako mula kay Evander. Sa gitna ng mga lihim, tukso, at laban sa kapangyarihan, isa lang ang malinaw: kapag ang malamig na CEO ay umibig, hindi siya uurong sa digmaan. At ako ang dahilan ng digmaang iyon.
Romance
10422 viewsOngoing
Read
Add to library
CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires

CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires

Ako si Martin Del Rivas. Ang mga tao sa labas ay nakikita ako bilang perpektong senador, ang presidente sa hinaharap, ang bachelor na kinakikiligan ng bansa. Ang mga ngiti nila, ang pagpupuri sa akin… lahat ay pekeng salamin. Sa loob, ako ay umiiyak sa dilim na hindi nila nakikita, umiiyak sa pagkawala na hindi nila mauunawaan. Hindi nila alam na may isang pintuan sa mansion ko na hindi dapat buksan. At may isang babae akong sinasambit sa bawat gabi,na hindi lamang alaala ng trahedya, kundi dahilan ng lahat ng aking galit. Si Savanna ang naging pugad ng aking pagkawasak, ang sentro ng bawat galit , bawat obsesyon na hindi ko matakasan. Hindi ko siya kinuha dahil gusto ko. Kinuha ko siya dahil kailangan kong itama ang mundo na pinabayaan niya at sa bawat araw na siya ay nakadapa sa harap ko, bawat luha na hindi niya dapat ipapakita, lalo akong nagiging alipin ng sarili kong galit. Akala niya libreng buhay ang kanyang makakamtan sa mansion ko. Akala niya kalayaan ang makikita niya sa bawat galaw ko. Pero mali siya. Ako ang may hawak, hindi lang ng katawan niya, kundi pati ng kanyang hininga, ng bawat takot at galit na sinusupil niya sa loob. At kahit nararamdaman ko ang pagbabago sa puso ko, kahit ang galit ay nagiging pangungulila, alam kong hindi ko siya kayang bitawan. Hindi ko siya kayang talikuran. Siya ang dahilan ng aking pagkawasak, at siya rin ang dahilan ng aking pagbangon. At sa bawat gabing ako ay mag isa, habang iniisip ang mga nagdaang trahedya, naiintindihan ko na ang laban na ito, ang pagmamahal at poot, ang obsesyon at pagkawasak ay hindi matatapos. Hindi kailanman. Sapagkat sa kanya ko naramdaman ang ganap na kontrol, at sa kanya ko rin naramdaman ang ganap na kawalan ng kapangyarihan.
Romance
10116 viewsOngoing
Read
Add to library
When I Found you (SPG)

When I Found you (SPG)

"asan ako!!.wait ...gosh ..awws aray!" dahang tumumayo si Zaira pababa sa kama .Hindi niya matandaan ang nangyari lahat kagabi ang tanging naalala niya lang ay nagkayayaan silang mag bar ng mga kaibigan niya dahil ang isa sa kanila ay broken dahil hindi siya umiinum ng alak ay naimpluwensyahan siya ng mga kaibigan na maparami ng inum .Hanggang doon lang ang naalala niyang pangyayari. Pagsipat niya sa banyo ay nakailaw ito dahil ang pintuan nito ay puting salamin. "awww ..hindi na ako virgin!" nangingiyak niyang pinulot ang nagkalat na damit sa sahig. "panty ko !!" mas umiyak siya sa nakitang panty nito na sirang sira. "sino ka bang lalaki ka at ang hars mong tanggalin sirain tong panty ko!" masamang tingin ang pinukol niya sa banyo at nagmadaling sinuot ang kanyang dress .Nanlalamig ang kanyang pagkababae dahil s hangin na pumapasok nito mula sa ibaba wala siyang panty kaya medyo ilang siyang maglakad lalo masakit ang kanyang pagkababae. Kinuha niya ang mahabang coat ng lalaki at inamoy. "not bad..andito sa pinas pero naka coat ..ano siya billionaire!" bilis siyang lumabas mula sa kwarto at bilis lumabas. Tumingala siya at nakita ang " Romantic Hotel" alinlangan siyang napangiwi. Nakasakay siya agad ng taxi. Paglabas mi Kyler sa banyo ay nadatnan ng wala ang babaeng pinagsawahan niya. Natuwa siya sa babae dahil virgin pa ito at aggresibo din. "pwedeng malaman name ng babaeng regalo niyo sa akin?".Bungad niya sa kausap "bro sorry .Akala namin nakarating yung babaeng regalo namin sayo hindi pala Naaksidente si Mika kaya hindi siya nakarating .I dont know her!" .lumunok siya at huminga ng malalim. Pinulot niya ang sirang panty ng babae at natawa siya dito. "hahanapin kita " bulong ng kanyang isip.
Romance
10147.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
123
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status