THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER
Akala ni Vera Mendoza ay nasa tamang landas na ang kanyang buhay kasama ang live-in partner niyang si Draven Villareal. Ngunit isang gabing puno ng dilim at pagkakamali ang tuluyang sumira sa lahat.
Sa isang madilim na silid ng hotel, inakala ni Vera na si Draven ang lalaking nakapiling niya. Kinaumagahan, umalis siya nang hindi man lang nasilayan ang mukha nito. Buo ang paniniwala niyang ang lalaking minamahal niya ang nakasama niya noong gabing iyon.
Ngunit pag-uwi niya, nadatnan niyang nakikipagtalik si Draven sa ibang babae. Sugatan at wasak ang puso, pinili niyang lumayo, hindi alam na may dinadala na pala siyang lihim na bunga ng gabing iyon.
Lumipas ang mga taon at muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit ang mas nakakagulat, nalaman ni Vera na ang lalaking nakasama niya sa hotel ay hindi pala si Draven... kundi ang sarili nitong ama.
Dahil sa sunod-sunod na pangyayari, nauwi sa kasalan ang dalawa.
Ang dating live-in partner ni Draven... ay naging asawa ng kanyang ama.
Ang babaeng minsan niyang minahal ay tatawagin na niyang stepmother.
Ano ang mangyayari kapag nabunyag ang buong katotohanan? Paano haharapin ni Draven ang babaeng dati niyang minahal na ngayon ay kanyang madrasta? At paano kung ang batang matagal niyang inakalang anak ay anak pala ng sarili niyang ama?
Sa mundong puno ng maling akala, pagtataksil, at lihim, kaya bang paghilumin ng katotohanan ang mga pusong matagal nang nasugatan? O mas lalo lamang nitong guguluhin ang pamilyang nabuo sa isang gabing hindi dapat nangyari?
Hot Chapters