Diary Ng XXX Celebrity
pag-aamin din ni Haide.
“Guys, ginagamot naman na siya. Kini-chemo naman na siya, manalig lang tayo sa itaas. Normal naman siguro sa sakit niya ang makaranas ng ganiyan. Dapat, think positive lang tayo palagi. Kung magpapalamon kasi tayo sa stress, damay-damay tayong manghihina at magkakasakit. Tandaan niyo na ang stress, diyan nag-start ang sakit din. Kaya, kahit ganoon ang nakikita natin, tibayan lang natin ang loob natin. Gagaling din ang mama ninyo, may awa ang diyos,” sabi ko, habang pareho kong hawak ang kamay nila. Ako ang pinakamatanda kaya ako ang magpapalakas din ng loob nila.