Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Chasing My Runaway Crippled Wife

Chasing My Runaway Crippled Wife

Isang gabi, nahuli ni Shuvee ang asawang si Azrael sa banyo habang binabanggit ang pangalan ng ibang babae. Sa loob ng five years of marriage, ngayon lang luminaw ang lahat na hindi siya ang mahal nito. "Shuvee, Scarlett is pitiful coming back alone. I'm just helping her as a friend," paliwanag ni Azrael habang nag-eempake para sa kabilang kwarto. "I understand," tipid na sagot ni Shuvee. Maging ang birthday ni Scarlett sa isang private island ay pinuntahan nito. "I promised her, Shuvee. I'm just fulfilling a promise," giit ni Azrael. "Okay," sagot niya muli. Kahit nang sabihin nitong mas "suitable" si Scarlett bilang assistant sa isang banquet kaysa sa kanya, tumango lang siya. "Okay, go ahead." Nang tuluyan nang tumigil si Shuvee sa pag-iyak at paggawa ng eksena, naguluhan si Azrael. "Shuvee, why aren't you angry anymore?" tanong nito. Hindi na siya galit dahil tapos na siya. Secretly, she studied English, passed the IELTS, and secured her student visa. Noong araw na lumabas ang approval, nilapag niya ang divorce papers. "Don't be ridiculous. How will you survive without me?" Azrael sneered. She didn't answer. She flew to Europe and vanished. Months later, a video went viral where Shuvee, in a stunning red dress, dancing freely under a foreign sky. Nanggigil si Azrael habang pinapanood ang ex-wife. "Shuvee, I will bring you back even if I have to go to the ends of the earth!"
175 viewsOngoingAdded to Library 6 Times as private message
Read
+Library
Ang Pagbuko sa Impostor

Ang Pagbuko sa Impostor

Ikakasal na ang pinakapopular na babae sa amin noong high school. Inimbitahan niya ang lahat sa aming klase para sa kaniyang kasal. Gusto kong kumilos na parang hindi ko nakita ang message na ipinadala niya sa akin pero walang tigil niya akong tinag sa group chat. “Nagkunwari kang mayaman gaya ko noong high school, pero hindi kita masisisi sa ginawa mo. Sa totoo lang, iniimbitahan kita sa kasal ko bukas para makita mo kung paano maging isang tunay na mayaman.” Agad na nagsalita ang iba naming mga kaklase. “Napakabait mo talaga, Haley. Kaya hindi na ako magtataka kung paano mo nagawang pakasalan ang isang miyembro ng pamilya Baumer. Hindi ako makapaniwala na mapapatawad mo ang isang materialistic na kagaya ni Emma!” “Ano ba ang deserve ng isang kagaya ni Emma Larkin para makaattend sa kasal ni Haley? Masyado siyang mayabang.” Habang tumitindi ang mga pangiinsulto, umabante si Haley Stockwell para mapanatili ang kapayapaan sa chat. “Sige na, kalimutan na natin ang mga hindi maganda nating nakaraan. Hindi na ako naaapektuhan sa mga ito dahil masyado nang matagal mula noong mangyari ang mga iyon. Anyway, huwag na tayong maghinanakit kay Emma dahil masyado na itong mahirap at pangit.” Walang tigil na umulan ang mga papuri sa kaniya ng lahat sa group chat habang tinatawag siya ng ilan sa amin na mabait at inosente. Napasinghal ako sa aking nakita. Si Haley ang babaeng nagkukunwaring mayaman sa amin—ako ang tunay na tagapagmana ng isang mayamang pamilya pero pinalabas pa rin niya na sinungaling ako. Ginawa niya akong target ng mga pangiinsulto ng lahat. Tiningnan ko ang digital wedding invitation para makitang gaganapin sa aking villa ang kaniyang kasal. Mukha ring pamilyar ang kaniyang groom—hindi ba’t ito ang driver ng aking asawa? Ngumiti ako nang maisip ko ang mangyayari. Sumagot ako sa chat ng, “Sige! Kailangan kong umattend ng kasal mo!”
1.1K viewsCompletedAdded to Library 29 Times as private message
Read
+Library
One Night Mistake with a Billionaire

One Night Mistake with a Billionaire

“ANO!? SIRA ULO!? Hindi mo ba kilala kung sino ang magiging ka-One Night Stand mo?” “Hindi eh, kasi ang nag schedule ng aking One Night Stand ay kaibigan ko at ang sabi nya lang sa akin ay may babae na papasok sa aking room number at yun ang magiging ka-One Night Stand ko… At ikaw ang pumasok sa aking room number.” Si Rogelyn ay isang babae na pinanganak ng mahirap at ang kanyang Mama na nag-ngangalang Rose ay nagkaroon ng comatose saka matagal ng patay ang kanyang Papa. Nung 20th birthday ni Rogelyn ay kanyang nahuli ang kanyang BF na may kasiping na ibang babae kaya sya ay naglasing at pumunta sa isang hotel. Sa hotel room na napasukan ni Rogelyn ay may hindi ina-asahang nangyari sapagkat isang binata na nag-ngangalang Sean ang sumiping sa kanya. Walang nagawa si Rogelyn kundi kalimutan ang nangyari sa kanila ni Sean. Isang araw, isang babae na nag-ngangalang Sarah ang nagbigay ng offer kay Rogelyn upang maging personal assistant para sa kanyang anak at ang kapalit nito ay si Sarah mismo ang magbabayad sa lahat ng bayarin sa Private Hospital. Tinangggap ni Rogelyn ang offer ngunit ang anak pala ni Sarah ay si Sean. Si Sean ay may fiance na nag-ngangalang Cyrell at sya rin ang babae na simuping sa bf ni Rogelyn. Sa pag-tra-trabaho ni Rogelyn bilang personal assistant para kay Sean ay nagkaroon sila sa isat-isa ng pa-unti-unting pagmamahal. Ngunit kaya ba nila Rogelyn at Sean ipaglaban hanggang sa wakas ang pag-ibig na nabubuo sa kanila.
108.1K viewsCompletedAdded to Library 267 Times as private message
Read
+Library
Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival

Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival

Sa loob ng limang taon, buong pusong minahal ni Bettina si Elijah. Ngunit sa mismong araw ng kasal nila ay tinalikuran siya nito dahil kay Agatha—ang babaeng ilang beses nang nagtangkang magpakamatay para makuha ang atensyon ng lalaki. Saka lamang napagtanto ni Bettina na kahit gaano pa kalalim ang ibigay niyang pagmamahal ay hindi siya pipiliin ni Elijah. Kaya nilisan niya ang lahat at nagpasya na magsimula ng bagong buhay. Pero hindi niya inaasahan na sa isang gabi ng kalasingan, aksidente niyang naka-one-night stand ang isang bilyonaryong lalaki at mortal na kaaway ng kapatid niya—si Evander Hudson! Kinabukasan, dahan-dahang nagtangkang tumakas si Bettina ngunit bigo siya nang biglang may humawak sa kanyang paa at hinila pabalik. “After everything you did to me last night, you’re really going to run away?” sabay turo sa marka sa leeg niya. “Ganyan mo ako hinalikan… and you're not even going to explain what we are now?” Kilala si Evander na malamig at walang interest sa mga babae. Pero walang nakakaalam na matagal na niyang minamasdan nang palihim si Bettina. Simula nang mapunta ito sa kanyang bisig, hindi na niya ito pinakawalan pa. Naglabas pa siya ng sampung bilyong piso para bilhin ang isang private island resort sa Cebu para kay Bettina. “If you don’t want to stay in Manila, then let’s turn this place into a paradise. Just for you, Tina.” “Akala ko Evan hindi ka interesado sa babae?” “I’m not interested in anyone else. But you're the only exception.” Pero paano kung mahulog ang puso niya kay Evander? Ano na lang ang sasabihin ni Bettina sa kuya niya?
1021.8K viewsOngoingAdded to Library 631 Times as private message
Read
+Library
Hahamakin Ko ang Lahat

Hahamakin Ko ang Lahat

“Minsan, ang pinakamadilim na pagkabulag… ay ang pagkabulag sa pag-ibig.” Si Lorie Philip, ang nag-iisang tagapagmana ng Philip Empire, ay nawala ang lahat sa isang iglap. Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang at nagdulot ng kanyang pagkabulag — iniwan siyang mag-isa, mahina, at umaasa lamang sa lalaking akala niya’y kanyang sandigan: si Jason Curry, ang asawa niyang ipinagkasundo sa kanya mula pagkabata. Ngunit ang pag-ibig na inakala niyang totoo, ay isa palang malupit na panlilinlang. Habang siya’y nabubuhay sa dilim, ginamit siya ni Jason upang makuha ang lahat ng ari-arian ng Philip family, habang palihim na nilalapastangan ang kanilang kasal kasama ang sekretarya nitong si Necy. Sa paningin ni Lorie, siya ay minamahal. Ngunit sa katotohanan, siya ay ginamit, pinagtawanan, at niloko. Hanggang sa isang araw, isang pagkadulas sa banyo ang nagbalik ng kanyang paningin at kasabay nito, ang katotohanang mas masakit pa sa pagkabulag. Nakita niya mismo ang kanyang asawa at sekretarya, naglalampungan sa study room, at mula sa bibig ni Jason, narinig ang mga salitang pumunit sa kanyang puso: “Hindi ko siya mahal. Kayamanan lang niya ang kailangan ko.” Ngunit ang mas mabigat na katotohanan, ang aksidenteng pumatay sa kanyang mga magulang ay hindi aksidente, kundi isang maingat na plano ng pamilya Curry. Sa gitna ng luha at galit, nanumpa si Lorie: “Pagbabayarin ko kayo sa lahat ng ginawa n’yo sa akin.” Sa tulong ng isang matalino at misteryosong private investigator na si Fernan James, unti-unti niyang binuo ang kanyang lakas upang bawiin ang lahat — kayamanan, hustisya, at dignidad. Ngunit habang lumalalim ang imbestigasyon, unti-unting nagigising ang damdamin niyang matagal nang natulog. Pag-ibig ba o hustisya ang pipiliin niya? At handa ba siyang magmahal muli sa lalaking handang ipaglaban siya, kahit kapalit ay buhay niya?
101.9K viewsCompletedAdded to Library 59 Times as private message
Read
+Library
Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Si Jhai ay ang pinuno ng isang lihim na samahan na tinatawag na Lion Warrior, isang grupo na nagtutuwid ng mga maling katarungan. Maaga siyang naulila matapos mapatay ang kanyang mga magulang sa isang madugong insidente. Bitbit ang pangakong tutuparin ang pangarap ng mga ito, pinili niyang maging high school teacher. Upang mapanatili ang kanyang lihim na pagkakakilanlan, nagpakilala siya bilang si Zhaine, isang weird at old-fashioned na guro. Sa hindi inaasahan, siya ang itinalagang class adviser ng section 12-D—isang klase ng mga outcasts, pasaway, at mga estudyanteng tila wala nang pangarap sa buhay. Isa sa mga estudyante ay si Kenn Singson, anak ng school director. Masungit, matalino, at mailap—katulad ni Zhaine pagdating sa mga taong mahal nila. Bagama’t malamig at puno ng tensyon ang kanilang unang pagkikita, unti-unting nahulog ang loob ni Kenn sa kanyang adviser. At sa pagdaan ng panahon, kahit labag sa patakaran ng paaralan at sa sariling prinsipyo, natutunan ding ibigin ni Zhaine ang binata. Ngunit sa gitna ng unti-unting namumuong pag-ibig, patuloy pa rin ang misyon ni Jhai para makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw, natuklasan niya ang isang nakakagulat na katotohanan: ang taong pumatay sa kanyang ama ay walang iba kundi ang kanyang bagong kaibigan—isang private police inspector na lingid sa lahat ay may itinatagong lihim bilang kalaban ng Lion Warrior. Gumuho ang mundo ni Jhai. Ang paghahangad ng hustisya, sa pagkamatay ng kanyang magulang ang-siyang nagdulot sa kanya, upang siya'y mapahamak at mag-agaw buhay. Makakaligtas kaya si Zhaine sa bingit ng kamatayan? Isusuko ba niya ang Lion Warrior sa kanyang kaaway? handa ba nyang tanggapin ang alok ni Blue magpakasal kapalit ng kaniyang kaligtasan? At paano haharapin ni Kenn ang sakit ng mawalan ng babaeng unang nagturo sa kanyang magmahal—sa paraang kailanma’y hindi niya malilimutan?
9.7883 viewsOngoingAdded to Library 30 Times as private message
Read
+Library
PREV
1
...
345678
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status