Beastly: Primo Hernani
Bakas din sa kanya na natutukso siyang pumayag pero nagpipigil siya.
“Hindi ko alam, bes! Parang hindi pa kasi ako ready na maging malaki agad ang business. Hindi ata keri ng powers ko,” aniya kaya napangiwi ako.
“Luna, bago ka nagbukas ng negosyo, dapat ang unang nasa isip mo ay ang salitang success. Atsaka hindi naman natin malalaman kung hindi mo susubukan, hindi ba? Ikaw rin, sayang ang opportunity na mapalaki natin ang negosyo mo. Mababago mo ang buhay ng pamilya mo kapag nagkataon. Atsaka tutulungan naman kita,” mahabang saad ko pa.
인기 회차