ANG TAKAS
Masaya niyang tinatanaw ang papalubog na araw, na naging dahilan upang maging kulay dugo ang langit.
“Maya-mayang kaunti, magdidilim na ang langit,” pahayag ni Sophie na patuloy sa pagmasid sa kalangitan, “sasabog sa kadiliman niyon ang laksa-laksang bituin na magbibigay liwanag at kagandahan sa madilim na kapaligiran.”
Ah, talagang hilig ni Sophie na pagmasdan ang kalangitan kapag nagsisimula nang lumubog ang araw, hanggang sa mga sandaling kumukuti-kutitap na ang mga bituin sa kalangitan.
인기 회차