My Stranger Groom Is A Billionaire
Sa pagitan ng mga terminolohiyang medikal at clinical case studies, parang mas nakilala niya ang sarili niya kaysa sa mga tanong na ibinabato ng isip niya.
Siguro kung pati ang pagbabasa ay makalimutan niya, baka nga mas lalong mabaliw siya. Kasi sino pa ba ang kakampi niya kung hindi ang mga pahina ng libro? Hindi naman kasi makausap ng matino ang kasama niya sa bahay at palagi lang siyang sinusungitan, tinatarayan, binabara at higit sa lahat, sinisigawan siya at pinapagalitan.
Kaya kahit papaano, sa mga pahina ng libro niya lang nararamdaman na may napupuntahan at nakakausap, kahit pa pansamantala lang.
인기 회차