The Billionaire's Son
Walang special na namamagitan sa kanilang dalawa saka kailangan ba icelebrate din kahit wala naman talagang kayo, kahit na pagpapanggap lang ang lahat?
“I don’t understand,” naguguluhan talagang usal ni Sandra.
“It’s our daysary.”
“Wait, what?” gulat niyang wika. Anong daysary? Teka, bago yun sa pandinig niya ah.
“Anong daysary?” kunot noo niyang tanong. Meron na naman bang bagong words na naiimbento ng mga pinoy at hindi niya alam ang ibig sabihin? Mga pinoy talaga, kung ano-anong words ang naiimbento!