Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Taming the Ruthless CEO

Taming the Ruthless CEO

Si Keira Amara Lacson ay napilitang pumasok sa isang kasunduang kasal. Ang kanyang mapapangasawa ay walang iba kundi si Xavier Cross Dela Vega, ang kinatatakutang CEO na kilala sa pagiging malupit at walang awa. Ginawa niya ito upang iligtas ang negosyo ng kanyang ama, ngunit hindi niya inaakalang hahakbang siya sa isang mundong puno ng lihim at panganib. Akala niya ay simpleng pagpapanggap lamang ang lahat, ngunit habang tumatagal ay may mga bagay siyang natutuklasan tungkol kay Xavier. May mga pagkakataong ipinapakita nito ang lambing at pag-aalaga, ngunit may mga sandaling tila ibang tao ang kanyang kasama. Magulo ang kanyang nararamdaman, lalo na at tila may mga lihim na itinatago ang buong pamilya Dela Vega at ang mga taong nakapaligid sa kanila. Habang lumalalim ang kanilang ugnayan, sunod-sunod na lumalabas ang mga katotohanang yumayanig sa kanyang paniniwala. Ang kanyang pagkikita at kasal ay tila hindi sadyang tadhana lamang at may mas malalim na dahilan ang lahat ng ito. Sa gitna ng mga nakatagong plano at nakaraang puno ng galit ay may isang nakakagulat na rebelasyong naghihintay na mabunyag ang isang katotohanang magbabago ng lahat at magtutulak sa kanila sa isang sitwasyong hindi nila inaasahan.
201 viewsOngoingAdded to Library 6 Times as simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
HIS SINFUL LOVE(SSPG)

HIS SINFUL LOVE(SSPG)

Sa wakas ay makakasal na si Daisy sa lalakeng una at totoo niyang minamahal na si Gian Silvestre. Ngunit sa araw mismo ng kanyang kasal ay na-kidnap siya.Natunghayan niya na lang ang kanyang sariling nakagapos at nakapiring habang puwersahang inaangkin ng lalake.Nasusuklam siya sa lalakeng lumapastangan at bumaboy sa kanyang pagkakababae ng walang sawa at paulit-ulit. Hindi niya nakilala ang lalakeng bumihag sa kanya at makalipas nga ng dalawang buwan ay basta basta na lang siya ibinalik sa kanyang pamilya.Nang malaman ng pamilya niya na buntis siya at hindi niya alam kung sino ang nakabuntis sa kanya ay itinakwil siya ng kanyang pamilya . Dulot ng matinding pighati at awa sa sarili sa nangyari sa kanyang buhay; nakidnap, naggahasa at ipinagpalit ng kanyang fiancee sa kanyang kaibigan ay nagpasya siyang magpakalayo-layo sa ibang bansa.Makalipas ang apat na taon ay bumalik siya sa Pilipinas upang makapaghigante. Paano kung matuklasan niya na ang lalakeng kumidnap at gumahasa sa kanya ay walang iba kung hindi si Dylan Romano, ang kanyang hot boss at dating manliligaw na binasted niya. Huli na nga ba upang masuklam siya dito kung natutunan niya na itong ibigin sa mga tulong na naibigay nito sa kanya? Matutunan kaya niyang mapatawad ang ama ng kanyang anak na sumira sa kanyang dangal?Kaya ba ni Dylan paghilumin ang sugatang puso niya kung paghihigante lang din pala ang pakay nito sa kanya? How will he ever win the heart and mind of Daisy kung umiibig pa rin ito sa dati nitong fiancee? Maari bang magkaroon sila ng happily ever after kung pareho silang masilimoot ang naging napagdaanan sa isa't isa? Kaya ba ng mahika ng pag-ibig paghilumin ang lahat sa pagitan nilang dalawa? Will Daisy accept his sinful love forever or will she reject it?
50 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG)

Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG)

Sa mata ni Claudette Aoife Villamor, ang kasal ay sagrado—isang pangakong hindi dapat nilalapastangan. Pero sa loob lang ng tatlong buwan bilang misis, nadurog ang buong pagkatao niya nang mahuli niya ang sariling asawa—nakikipagtalik sa kasambahay nila. Sa kama nilang mag-asawa. Dala ng galit at pagkawasak, nilisan niya ang tahanan nila nang walang balak bumalik. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, isang misteryosong lalaki ang sumulpot sa landas niya—si Killian Nicolaj, ang tahimik ngunit makapangyarihang billionaire na siyang bagong CEO ng unibersidad kung saan siya dating nagturo. Hindi alam ni Claudette na matagal na pala siyang pinagmamasdan ni Killian. Matagal nang kinikimkim nito ang damdaming hindi niya kailanman inasahan—hanggang sa isang gabi ng paghihiganti, isang kasalanang pinili nilang kapwa pasukin. Sa loob ng sasakyan ni Killian, sa harap ng lalaking minsan niyang minahal, isinuko ni Claudette ang sarili sa bisig ng kanyang boss. Isang gabi ng kapusukan. Isang simula ng mga lihim. At isang ugnayang hindi kailanman dapat nabuo. Hanggang saan ka dadalhin ng galit, pagnanasa, at muling pagtuklas sa sarili mong halaga?
1016.9K viewsCompletedAdded to Library 674 Times as simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
The Shoemaker

The Shoemaker

Achyxia
Napakarami na ng problema ng bayan ng Garapal dahil sa bilang ng mga krimeng nangyayari ngunit parang mas malaki pa yata ang problema ni Ruanne. Nais lang naman ni Ruanne na makalimot sa pangangaliwa ng nobyo niya na sa kaaway pa niya napiling makipaglandian. Ngunit ang taksil niyang puso ay hindi umaayon sa gusto ng kanyang isip. Sa gitna ng kanyang pagmomove-on ay nakilala niya si Pio, ang isa sa mga staff ng sikat na tindahang 'The Shoemaker'. Ang 'The Shoemaker' lang naman ang pinakasikat na tindahan ng sapatos na mayroon lamang isang branch na nakapuwesto pa sa tapat ng boutique ni Ruanne. Ito lang din naman ang magiging kalaban ni Ruanne kung sakaling simulan niya na ang kanyang shoe line. At ang tahimik na buhay ng binatang nag-aasikaso nito ay mabubulabog dahil sa alok ni Ruanne na maging pekeng kasintahan niya na siya namang tinanggap agad ng binata. Ngunit sa pagsunud-sunod ni Ruanne kay Pio, may malalaman siyang hindi dapat. At matatagpuan niya na lamang ang sarili niyang sinusunod ang lahat ng gusto ng binata, maging sa ibabaw ng kama. At hindi lang iyon, mapapasok niya pa ang delikadong mundo ng mafia.
1.9K viewsOngoingAdded to Library 63 Times as simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
Pakita Mo Na Mas Magaling Ka

Pakita Mo Na Mas Magaling Ka

Ang life trial system na “If You Think You Can Do Better, Prove It” ay sumabog sa eksena na parang isang naglalakbay na circus na nagpapangako ng magagandang bagay. Ang ideya ay plain. “Kung sa tingin mo ang buhay ng ibang tao ay magulo at tingin mo kaya mong mas gawin ito ng maganda, sige at patunayan mo. May reward na naghihintay kung magawa mo.” Bago ko mapagtanto, ang buong pamilya ko na tinuturing akong hanggal sa gitna ng palabas. Nandyan ang ina ko, nangangarap na gawin akong inahin. Ang asawa ko, na naglaan ng mga taon umiiwas sa nararapat na hati ng bigat ng pamilya. At ang anak kong lalaki, naaawa pag nakikita ako. Tinulak nila ako sa “judgement seat” na para bang kontrabida sa isang kwento. Bawat isa sa kanila ay sumumpa, sa pwesto ko, maayos nila ang buhay ko kaysa sa kaya ko. Ang pusta? Well, kung magawa nila ito, ang consciousness ko ay mabubura—mawawala, binura na parang pagkakamali sa chalkboard—at gagawin nilang personal na katulong. Dagdag pa dito, maglalakad sila palayo ng may isang milyong dolyar. Pero kung hindi nila magawa? Kung gayon ako ang siyang makakakuha ng tatlong milyong dolyar. Ngayon iyan ay pustahang kaabang abang, hindi ba?
1.4K viewsOngoingAdded to Library 34 Times as simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
From Basurera to CEO'S Wife

From Basurera to CEO'S Wife

Si Lira Mendoza ay isang simpleng basurera na araw-araw lumalaban sa kahirapan para sa kanyang pamilya. Sanay siyang maliitin, tapakan ang dignidad, at ipaalala ng mundo kung saan siya nababagay… sa ilalim. Ngunit isang aksidente ang magbabago sa lahat nang matapunan niya ng basura ang isang mayabang at misteryosong lalaki na hindi niya alam ay isa palang makapangyarihang CEO. Si Nathaniel Cross, isang cold at elite na negosyante, ay sanay makuha ang lahat… pera, respeto, at babae. Ngunit iba si Lira. Hindi siya nagpapanggap, hindi siya humihingi ng awa, at kahit sugatan ang pride, buo pa rin ang tapang. Sa gitna ng isang marangyang villa party, muling nagtagpo ang kanilang mundo… at doon nagsimula ang isang masakit na banggaan ng uri, dignidad, at damdamin. Habang unti-unting nahuhulog ang loob ni Nathaniel sa babaeng galing sa mundo ng basura, lalong humihigpit ang hawak ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ina, na may sariling plano para sa kanyang kinabukasan. Sa pagitan ng pang-aalipusta, lihim na kasunduan, at unti-unting pag-usbong ng pag-ibig, kakayanin ba ni Lira ang mundong hindi siya kailanman tinanggap? O mananatili siyang basurera sa paningin ng lahat… kahit sa lalaking handa nang ipaglaban siya?
102.2K viewsOngoingAdded to Library 69 Times as simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
Accidentally Yours, Mr. CEO!

Accidentally Yours, Mr. CEO!

"Ouch, ang sakit ng ulo ko," daing ko habang hawak ito. Para itong binibiyak sa sobrang sakit. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at umupo. "Teka, nasaan ako?" Ang huli kong natatandaan ay nasa bar ako at nagpapakalasing upang makalimot. Niloko kasi ako ng long time boyfriend ko pagkatapos ng tatlong taon naming relasyon. At para panandalian makalimutan ang sakit ay nagpasya akong magpunta sa bar para aliwin ang sarili ko. Napasinghap ako sa gulat ng mapagtanto ko na wala akong saplot. "Bakit nakahubad ako?!" Bulalas ko habang kipkip ang katawan ko ng kumot. Wala akong suot na bra, kahit panty ay wala, ang nakakabahala ay masakit pa ang gitna ko... palatandaan na may nangyari na hindi dapat. Nanigas ako ng maramdaman na may gumalaw sa tabi ko. "Oh no..." Ayokong lumingon dahil kinakabahan ako. Pero kailangan kong kumirmahin ang hinala ko, kaya dahan-dahan akong lumingon. Umawang ang labi ko sa gulat ng makita ang huling tao na naisip kong makikita ko. S-si Sir Elijah, ang CEO at boss ko! May nangyari sa aming dalawa! Ang unexpected sex naming dalawa ay nauwi sa kontrata ng kasal at sa loob ng isang taon ay pag aari niya ako.
1039.6K viewsCompletedAdded to Library 1.0K Times as simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day

Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day

Sa ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal, isang masakit at nakakadurog-pusong katotohanan ang natuklasan ni Nimfa—may ibang babae ang kaniyang asawang si Marcus. Ngunit ang higit na hindi niya matanggap: ang kabit ng kaniyang asawa ay ang mismong hipag—ang asawa ng nakatatandang kapatid ni Marcus. Sa kabila ng sakit na dulot nito, pinili ni Nimfa na magbulag-bulagan. Ayaw niyang masira ang pagsasama nila ni Marcus, dahil mahal na mahal pa rin niya ito. Kaya nanatili siya, kahit unti-unti na siyang nauupos. Subalit lalo pang tumindi ang lahat nang mamatay ang kapatid ni Marcus. Pansamantalang tumira sa kanilang bahay ang hipag nito kasama ang anak, at doon mas lalong nakita ni Nimfa kung gaano na siya pinapabayaan ng asawa—sapagkat ang buong atensyon nito ay nasa ibang babae na. Isang gabi, sa tindi ng sakit at pagod, tuluyan nang nagdesisyon si Nimfa. “Maghiwalay na tayo, Marcus. Mag-file na tayo ng annulment para matapos na ang lahat ng ‘to,” malamig niyang wika. Ngunit tatanggapin ba ito ni Marcus? At sa gitna ng sugat na iniwan ng kaniyang asawa, isang lalaki ang muling babalik sa buhay ni Nimfa—isang lalaking may koneksyon sa kanilang nakaraan, na ngayon ay isa nang makapangyarihang bilyonaryo.
103.6K viewsOngoingAdded to Library 108 Times as simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince

Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince

Isang mapanganib na laro. Isang malupit na paghihiganti. Isang sikretong magpapabago ng lahat.* Para isalba ang lupain ng pamilya sa Lopez, inakit at pinaikot ni Sierra ang kinatatakutan at walang-pusong bilyonaryo na si Lucas Altamirano. Matagumpay niyang natunaw ang yelo sa puso ng *Ice Prince*, ngunit nang mabunyag na ang lahat ay isang patibong, naging malupit ang bilyonaryo. Binili siya nito, ikinulong sa karangyaan, at walang-awang pinarusahan sa ibabaw ng kama. Dahil hindi na makayanan ang poot ng lalaking minamahal, tumakas si Sierra dala ang pinakamalaking bunga ng kanilang nakakapasong laro: ang anak ni Lucas. Tatlong taon ang lumipas, natunton sila ng bilyonaryo. Ngayon, puwersahan siyang ibinalik ni Lucas sa Maynila upang angkinin ang tagapagmana at gawin siyang panghabambuhay na parausan. Sa gitna ng nakamamatay na selos at mga nagbabagang parusa gabi-gabi, tuluyan na bang lalamunin ng yelo ang pag-ibig nila? O sapat ang nag-uumapaw na pagnanasa para muling paluhurin ang bilyonaryo sa kanyang nag-iisang reyna? *(Ang nobelang ito ay ang Unang Libro sa **The Altamirano Princes Series**. Abangan ang susunod na henerasyon—ang mga anak ni Lucas na magmamana ng imperyo at ng nagbabagang sumpa ng pag-ibig ng mga Altamirano!)*
103.2K viewsOngoingAdded to Library 101 Times as simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO

BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO

Sa isang lungsod na puno ng mga kontraste, dalawang tao mula sa magkaibang mundo ang nagtagpo. Si Hendry, isang sikat at makapangyarihang billionaire, ay nabubuhay sa mundo ng luho at tagumpay. Subalit, may isang bagay na nagpapaiba sa kanya sa iba pang mga mayayaman-siya ay pilay. Dahil sa isang aksidenteng hindi nya inaasahan, si Hendry ay gumagamit ng wheelchair, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya upang makamit ang mga pangarap at maging isa sa mga pinakamatagumpay na tao sa negosyo. Sa kabilang banda, si Sienna ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Lumaki siya sa isang maliit na baryo kung saan ang bawat sentimo ay mahalaga. Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, si Sienna ay matiyaga, matalino, at puno ng pangarap. Nagtrabaho siya nang husto upang makapag-aral at umahon sa kahirapan. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang pagkikita nila mula sa isang simpleng pagkakataon tungo sa isang malalim na koneksyon. Sa gitna ng mga hamon ng kanilang magkaibang mga mundo, natutunan nilang magtulungan at magbigay inspirasyon sa isa't isa. Si Hendry ay nakita ang lakas at pag-asa sa hirap ng buhay ni Sienna, habang si Sienna naman ay natuto mula sa tapang at talino ni Hendry sa pagharap sa mga pagsubok.
2.3K viewsOngoingAdded to Library 77 Times as simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status