Memories of the Past [COMPLETED]
Dalawa ang tanging maituturing na makapangyarihan sa San Lorenzo.
Isa rito si Padre Pedro, ang kasalukuyang kura. Siya ay isang Franciscano, tahimik at walang kibo. Payat, palaisip at kahit bata pa ay masasakitin na. Masigasig siya sa pagtupad sa kanyang tungkulin. Maingat sa kanyang mga kilos dahil ayaw niyang mabatikan ang malinis niyang pangalan. Iba-ibang siya kay Padre Ignacio, kapag may nagkakasala sa kanyang nasasakupan, madalas multa ang parusa. Samantalang kay Padre Ignacio, binibilangan ng palo ng tungkod o suntok. Mahinay siyang magpasiya samantalang si Padre Ignacio ay mapusok. Madalas ay nag-aayuno at hindi kumakain si Padre Pedro kaya payat at putlain siya. Sa kabilang dako nam