Ang Asawa Kong Artista
“Kahit sabay pa tayong nangako sa altar, wala kang aasahan sa’kin. I’m not going to be the husband you want.”
Ang mga salitang ito mula kay Luigi Ibarra ay parang kutsilyong tumagos sa puso ni Nami Santiago—isang mayaman ngunit nerdy na babae na matagal nang may lihim na paghanga kay Luigi. Si Luigi, ang pinakasikat na aktor sa bansa, ay napilitang magpakasal kay Nami upang mapanatili ang legacy ng kanyang pamilya. Ngunit kahit kailan, wala itong patak ng pagmamahal para sa kanya. She was the complete opposite of his type, and she knew it. Pero masyado lang talaga siyang martir.
Hanggang isang gabi, nagbago ang lahat. Nahuli niyang may ibang babae si Luigi—ang ka-love team nitong s