CHAINED (Tagalog)
nagpaliwanag pa rin ako kahit malabo niyang pakinggan.
"Brenna? Dapat Ma'am Brenna ang itawag mo sa akin. Hindi tayo close at mas lalong hindi tayo magkalebel. Hindi ko rin alam kung anong nakita ni Lance sa'yo at pinatulan ka niya. Look at you, wala namang pwedeng ipagmalaki sa'yo. Maganda ka pero bukod doon wala ka ng ibang maipagmamalaki. Ipapahiya mo lang siya at every time na magkasama kayo walang ibang sinasabi ang mga tao kung hindi puro panlalait. Hihilain mo lang siya pababa, kung nasaan ang lugar mo. Kaya mabuti pa, magbalot ka na dahil darating din ang araw na magsasawa siya sa'yo tulad ng mga babaeng nakakasalamuha niya sa America."
인기 회차