Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Fake Wife's Perfect Revenge

The Fake Wife's Perfect Revenge

Dalawang taon na inakala ni Yumi Zamora na siya ang legal na Mrs. Monteverde. Dalawang taon niyang minahal, pinagtiisan, at ipinaglaban ang lalaking inakala niyang tunay niyang asawa. Pero isang araw, habang inaayos ni Yumi Zamora ang laman ng drawer ay aksidente niyang napunit ang kanilang marriage certificate. Pero nang magpunta siya sa Civil Registry Office para kumuha ng panibagong kopya ay doon niya natuklasan ang mapait na katotohanan— ang kasal nila ng asawang si Clyde ay peke at palabas lang ang lahat. Ang lalaking tinawag niyang asawa, si Clyde Monteverde, ay legal palang kasal sa ibang babae at mas masakit, sa dati nitong professor. Anim na taon siyang ginamit ng lalaki bilang panakip-butas sa lihim na relasyon ng dalawa. Siya ang inilagay sa harap ng tsismis, siya ang sinisi sa lahat, at pinalabas na baog para pilit ampunin ang batang hindi naman kanya. Subalit isang tawag mula sa isang abogado ang bumago sa buhay ni Yumi. Nalaman niyang siya pala ang illegitimate daughter at sole heiress ng isa sa pinakamayamang negosyante sa buong Pilipinas na si Don Rafael Zamora. At nang tanungin siya ng abogado tungkol sa kanyang marital status, sandali siyang nag-isip bago sinabing, “Attorney Reyes," malamig niyang sabi, "pipirmahan ko na ang inheritance agreement," aniya saka huminga nang malalim. "At para malinaw, unmarried po ako at wala po akong anak.” At para maisakatuparan ang paghihiganti, pumayag din siyang maging fiancé ni Adrian Villareal, ang lalaking kinatatakutan ng lahat—hindi lang sa kapangyarihan kundi sa angking kayamanan. Mula sa babaeng niloko at pinaglaruan, ay babangon si Yumi at maghihiganti. Sa larong sinimulan ng kasinungalingan, sisiguraduhin niyang siya mananalo...
1014.3K viewsOngoingAdded to Library 572 Times as the inheritance
Read
+Library
Ex-Husband's Downfall: The Fake Wife Found Her Domineering Lover

Ex-Husband's Downfall: The Fake Wife Found Her Domineering Lover

Dalawang taon nang naniniwalang legal wife si Isabel Cienne Lopez. Pero nang ipa-verify niya ang marriage certificate nila, doon niya nalaman ang totoo. Peke ang kasal nila ng asawa niyang si Joshua Casiño. Gusto niyang komprontahin si Joshua, pero may narinig siyang usapan sa study room nang puntahan niya ito. “Don’t worry, she still trusts me,” kampanteng sabi ng lalaki. “Good,” sagot ng babae. “Basta tandaan mo, ako ang legal wife mo.” Ang kausap nito? Si Sabrina Carpio. Ang dati nilang guidance counselor sa university na anim na taon ang tanda sa kanya. At doon bumagsak ang lahat-lahat para kay Isobel. Limang taon nang kasal ang dalawa, si Joshua at Sabrina. Ibig sabihin, ginamit lang si Isobel bilang shield. Siya ang pinakitang asawa sa publiko. Mas masakit pa, siya ang sinisisi kung bakit wala raw silang anak. Ang pinakamalala? Ang batang inampon nila ay tunay palang anak ng dalawa. Hindi nag-iskandalo si Isobel. Tahimik lang siyang tumawag sa abogado ng pamilya niya. “Attorney, single ako. No husband. No child. Lahat ng inheritance, sa akin lang.” “Are you sure?” “Yes.” At umalis siya nang hindi lumilingon. Akala ni Joshua babalik din si Isobel noong umalis ito. “She can’t survive without me, she loves me so much.” Pero ilang linggo lang ang lumipas, napabalita sa buong bansa ang isang engrandeng kasalan. Isang marriage alliance sa pagitan ng isang powerful tycoon at isang biglang lumitaw na heiress. Sa panonood ng TV, nanigas si Joshua. Si Isobel ang bride. Nakatayo siya sa tabi ng lalaking mukhang makapangyarihan, hawak ang kamay nito, confident at malamig ang tingin. “She is my wife,” sabi ng lalaki sa harap ng media. Sa pagkakataong ito, totoo na ang kasal ni Isobel. At doon lang na-realize ni Joshua na hindi pala siya kawalan kay Isobel. Siya ang iniwan, at siya itong maghahabol sa "asawa" na niloko niya ngunit hindi na niya maaabot pa.
104.1K viewsOngoingAdded to Library 106 Times as the inheritance
Read
+Library
PREV
123
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status