60 More Days of Summer with You
Pasado alas kwatro pa lang naman ng tanghali, kaya matagal tagal din akong makakapag libot.
Nilakad ko ang kahabaan ng flower farm, medyo mahaba-haba ang nilakad ko, pero hindi naman alintana dahil magaganda ang nakikita ko sa paligid, hanggang sa marating ko ang hangganan ng sunflower area. Maraming punong nagkalat sa magkabilang gilid ko, sa pinaka dulo ay matatanaw ang isang bahay kubo at bench na ilang dipa lang ang layo. Dineretso ko ang daan at naupo sa bench, sumandal ako doon saglit at pinagmasdan ang papalubog na araw. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hanging humahampas sa direksyon ko. Pagdilat ay inilihis ko ang pangin sa kubo, at doon ay may lumabas na pamilyar na pigura
Capítulos em Alta