Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
Nag-serve siya sa catering, nagbenta ng cookies online, nag-TikTók live selling ng lip tint, at minsang nag-extra sa isang indie film bilang ‘kababaihan sa likod ng punong mangga.
Kaya itong bagong trabaho bilang legal assistant, kahit awkward ang boss niya ay malaking hakbang para sa kanya. Makakatulong na siyang bayaran ang bahay, ang kuryente, at tuition ng dalawang kapatid.
Tuwing gabi, pagkatapos niyang mag-TikTók para magbawas ng stress, nanonood siya ng isang episode ng K-drama, tapos ay sinusulat ang kanyang sariling nobela sa isang free reading app. Ang title ng ongoing story niya? "Objection, Mahal Kita."