Never Fall Again to the Heartless Billionaire
Hindi sumagot agad ang binata, ang mga mata ay naniningkit.
“Nabasa ko ang notification, baka kako importante.”
Inabot nito ang cellphone sa kanya. Pagkakuha ni Gab, agad niyang nakita sa screen ang isang notification, “Message deleted. Secure channel closed.” Nakahinga siya ng maluwag. Kailangan ng code bago mabasa ang mensahe. Matapos ang limang minutong hindi nabubuksan ang message, kusa itong mabubura. Mare-retrieve lamang kapag nagsend siya ng request.
인기 회차