THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST
“Bakit hindi natin pagsamahin? Jayden Gavin Trinidad. Hindi ba’t magandang pakinggan?”
Nagkatinginan sina Gavin at ang Lola nito. Mukhang ayaw pa rin sumuko ng dalawa, pero alam nilang may punto si Joanna.
Sa huli, napangisi si Gavin at tumango. “Pwede na rin.”
Ang Lola naman niya ay napanguso pero tumango rin. “Hm. Matanda na ako para makipagtalo. Maganda namang pinagsama, eh.”
Napatawa si Joanna. “Ayan, tapos na ang naming war. Ngayon, pwede na ba akong magpahinga ulit?”