Mommy, Mommy! Look! I found Daddy
I need to call Draco, so what kung may lakad siya. Kailangan kong mag-rant ngayon. Pero parang kailangan ko lang din pala na magsisi sa ginawa ko, wala naman siyang naitulong sa problema ko.
"Bakit ba kasi? Ano kung nagkita kayo, bakit may nararamdaman ka pa ba sa kaniya?" Naririnig ko pa naman siya, pero maingay. Hindi ako makapaniwala na hindi pa man siya nagtatagal na makaalis dito'y nasa club na agad siya?
"Hoy, naririnig mo pa ba ako?" tanong ni Draco.
"Oo, nariririnig kita. Tsk. Alam mo wala ka namang naitulong sa akin eh." pagmamaktol ko.
"Bakit, ano ba sa tingin mo ang maitutulong ko sa 'yo ha? Ano ba, gulpihin ko na ang lalaking 'yan? Saglit lang, babalik ako diyan."
"Ay nako! Ewan ko nga sayo riyan, sige na bye na nga lang." Akma ko nang ibaba ang tawag nang may sinabi pa ito.
Napabuntong-hininga siya mula sa kabilang linya.
"You must use your head, Julie, ikaw lang naman ang makakasagot sa mga gumugulo sa utak mo ngayon. Basta, narito lang ako. Kung ano man ang desisyon mo, pag-iisipan ko kung masusuportahan ko."
Ni-hindi na sumagi sa isip ko ang ganitong senaryo. Pero inaamin ko, maypagkakataon na naaalala ko siya, na may chances na gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa kaniya. Kinakalaban langtalaga ng utak ko ang puso ko. Pero parang hindi naman na importante 'yon, may kaniya-kaniya na kaming buhay.
"Tsk. Bahala na nga," sabi ko pa. Lagpas ten minutes na sa ipinangako kokay Tyler. Babalik na ako't kailangan na naming umuwi. Sobrang dami ng nangyari sa araw ko ngayon.
"Ay anak ng!" Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. Paano banaman, nasa likuran ko na si Trevor.
Nakatayo lang siya roon, pero napansin kosa kamay niya ang pakete ng yosi na hawak niya.
Hot Chapters