Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO
Masiglang musika, kumikislap na mga ilaw, at tawanan ng mga bisita ang pumuno sa dalampasigan.
Ito na ang reception ng tinaguriang Wedding of the Year, ang muling pag-iisang dibdib nina Sebastian at Jenny Tuazon.
May mga fairy lights na nakasabit sa mga puno, may long tables sa gilid ng buhanginan, at sa gitna, isang malaking dance floor na may nakasulat sa buhangin,