Under My Father In-Law's Touch
Hanggang sa bumukas ang pinto, iniluwa no'n si Justine na papungas pungas pa ang mata hanggang sa matigilan siya at pumikit ulit, sinissigurong ako ang nasa harap niya.
"R-roxie?" tanong nito.
Dahan-dahan kong ibinaba ang hood ng jacket ko, lumabas ang magulo kong buhok, ang duguang labi, at ang malalaking pasa na kulay itim at asul na sumasakop sa buong kanang bahagi ng mukha ko. My sweater was ripped at the collar, revealing the dark finger marks and swelling on my collarbone.
"J-justine..." hikbi ko dahilan para maalarma siya at mawala ang antok sa mukha niya.