SWEET PUNISHMENT
DWAYNE P.O.V
Mula sa napakalawak na hallway ay kitang-kita ko kung paano nagdikit ang kanilang mga katawan. Ang yakap na dapat ay sa akin, ay sa iba na niya ibinibigay. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan, halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Galit, sakit, at pagkadismaya sa babaeng mas pinipili ko sa lahat ng oras, ngunit hindi naman pala ako kayang piliin. Napakuyom na lamang ako ng kamao habang tinataw silang dalawa, lalo na nang mapatingin sa direksiyon ko si Kier. Hindi siya nakangiti, hindi rin siya galit. Sadyang wala lang emosyon ang kanyang mga mata.