Novels
Short Stories

Genres

All
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Characters

36
Badboy×
All
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Twins
Badgirl
Teenager
Actor / Actress
Bully
Lawyer
Agent
Nanny
Professor
Artist
Triplets
OFW
Star
Warrior
Detective
Medical Genius
Police
Hunter
Gamer
Hybrid
Dragon
Show more

Plot & Setting

40
All
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Age Gap
Love after Marriage
Second Chance
First Love
Office Relationship
Love-Triangle
Misunderstanding
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Divorce
Flash Marriage
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Immortal Hero
Harem
Sports
Kingdom Building
Show more

Themes

13
Contemporary×
All
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Action
Tragedy
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Show more

Badboy Contemporary Web Novels & Stories

Explore novels and web novels featuring Badboy and Contemporary content, with engaging stories and immersive reading. Browse popular stories online and find your next read.
Filter By

Content words
All<30k30k-50k50k-100k>100k
Sort By

PopularRecommendationRatesUpdated
Dating the Playboy Professor - undefined novels & stories
Mariyah
Isang pagsubok para kay Foina Dela Fuente ang pag-iwas sa temptasiyon na huwag mahulog sa isang Ryan Chester Serrano na kilala bilang arogante at playboy sa Unibersidad de Victoria. Naging problema niya kung paano iwasan ang lalaki pero kahit anong iwas niya ay hindi niya napigilan ang puso na ibigin ito. Mas lumala ang pagsubok niya nang sagutin niya ang lalaki. Maraming babae ang habol nang habol sa nobyo niya. Akala niya ay iyon lang ang kaniyang magiging problema pero may malaki pa palang pasabog na madadaanan niya. Makaya niya kaya iyon? Matanggap kaya niya ang nakaraan ni Ryan Chester o lalayuan niya ito? Paano niya haharapain ang mga pasabog na hindi niya inaasahan?
10
777
I'M THE BILLIONAIRES SLAVE - undefined novels & stories
M.E.M.TSOLEN
Sa isang mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan, ipinanganak si Elena Cruz sa kahirapan. Maganda siya—mala-porselanang kutis, brown ang mata, at may alindog na kahit sa simpleng ayos ay nakakakuha ng pansin. Pero sa likod ng ganda, puno ng sugat ang kanyang buhay—ama niyang lulong sa sugal at inang kasambahay sa pamilya ng mga Monteverde, isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Isang gabi, nagbago ang lahat. Sa desperasyon at gutom, nagnakaw ang kanyang ama mula sa mansion ng mga Monteverde—isang kasalanang nahuli sa CCTV. At nang mabunyag ito, nasira hindi lang ang tiwala, kundi pati ang buhay nilang mag-ina. Sa gitna ng kahihiyan, pagkakautang, at apoy na sumunog sa kanilang tahanan, namatay ang kanyang ina sa konsensya at pangamba, habang nagtatago naman ang ama. Walang ibang natira kay Elena kundi ang pangalang minantsahan ng kasalanan. Hanggang sa isang gabi, muling tumagpo ang landas nila ni Lance Monteverde—ang bilyonaryong CEO na anak ng among pinagsilbihan ng kanyang ina. Malamig, makapangyarihan, at walang pakialam sa pag-ibig. Ngunit sa kabila ng lahat, tila may kakaibang puwersang nagtulak sa kanya na iligtas si Elena mula sa kamay ng mga mapang-abusong nanghihingi ng utang. Kapalit ng kaligtasan, isang alok ang binitawan ni Lance: “Babayaran ko ang lahat ng utang mo, Elena. Pero may kapalit... ikaw.” Sa pagitan ng utang, galit, at pag-ibig na unti-unting tumutubo sa gitna ng poot—mapipilitan si Elena na maging asawa ng lalaking kinaiinisan at kinatatakutan niya… ang lalaking unti-unti ring matututo kung ano ang tunay na halaga ng pag-ibig at pagkatao. Ngunit sa mundo ng mga Monteverde, walang libre. At sa dulo ng bawat pangako, may kapalit na kalayaan.
1.1K
Ang Bagong Emily Hills - undefined novels & stories
R.Y.E.
Nora Dumont, a ruthless and merciless most feared gang leader in the region and has slowly taken other countries, died in the hands of one of her trusted persons. Sa naghihingalo niyang buhay, nalaman niya na ang taong pumatay sa kanya ay siya ding taong kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang. But she had a chance for revenge ng muli siyang mabuhay sa katauhan ni Emily Hills. A rejected wife of a billionaire CEO that divorced her in her weakened state. Sa paglabas ni Emily ng hospital, isa na siyang bagong katauhan dahil kay Nora who will avenge her vessel habang naghihiganti sa pagkamatay nilang pamilya.
1.8K
REBORN AS THE VILLAINESS WITH FIVE DANGEROUS HUSBANDS - undefined novels & stories
LovingYouin20
Matapos mamatay nagising si Lira sa loob ng isang nobela, sa katawan ng isang kontrabidang babae na malupit sa limang asawa nito na sapilitang ipinakasal sa kanya ng kanyang ama. Ngunit nang mabaliktad ang sitwasyon at sila naman ang naging marahas sa kanya ay nagpasya siyang lumayo sa mga asawa at humingi ng proteksiyon sa kanyang tunay na ama dahil ayaw ni Lira na matulad sa sinapit ng dating may-ari ng katawan niya, ngunit ang tanging solusyon para tuluyan na silang maghiwalay ay kailangan niyang humanap ng sumpang dugo. Abala si Lira sa paghahanap at ng mga gamit na makatutulong sa kanya para makapagsimula ng bagong buhay dahil gusto lang niyang mamuhay ng tahimik at makalayo sa mga lalaking balang araw ay magiging dahilan ng kanyang kamatayan ngunit habang ginagawa niya ang lahat para makalayo, saka naman nagbago ang pakikitungo ng mga ito sa kaniya. Ang mga lalaking dati'y puno ng galit ay unti-unting nagiging malambing na para bang ngayon lang nila siya tunay na napansin. “Bakit ngayon pa kung kailan tinanggap ko nang hindi n'yo ako mamahalin at handa na akong umalis, so why are you now making it hard for me to leave?” Naguguluhan at nasasaktang tanong ni Lira sa mga asawang minsan niyang kinamuhian.
127
Claim Me Harder, Mr. Playboy - undefined novels & stories
MV Stories
Madalas sabihin ng marami na ang mga anak ang nagsisilbing angkla ng buhay ng isang ina. Para kay Catriona Lavender Carias, tumimo sa puso ang paniniwalang iyon mula sa sandaling mapag-isipan niya ito—hanggang sa subukin ng panahon ang kanyang tibay at paninindigan. Dumating ang sandaling kinailangan niya ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kanyang ina. Dahil sa matinding desperasyon, napilitan siyang pasukin ang mundong hindi niya kailanman inakalang kakapitan—ang Dream Fortress, isang lihim na bahay-aliwan kung saan ang mga lalaking may matataas na pangalan sa lipunan ay nagbabayad kapalit ng panandaliang aliw. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, ang serbisyong minsan niyang ibinigay sa isang estrangherong naging nag-iisa niyang kliyente ay nagbunga ng isang alaala na hindi mabubura ng panahon—isang anak. Pagkalipas ng isang taon, muling pinagtagpo ng tadhana ang kanilang mga landas. Si Trever de Gracia, ang dating kliyente at ang tunay na ama ng kanyang anak, ay muling pumasok sa kanyang buhay—ngunit hindi siya nakilala nito. Sa halip, inalok siya ni Trever ng isang kakaibang trabaho: magpanggap bilang kanyang kasintahan, at ang kanyang anak bilang sariling dugo, upang pagselosan ang dating kasintahan nito. Ano ang mararamdaman ni Trever kapag nalaman niyang ang batang inaakala niyang bahagi lamang ng isang palabas ay tunay niyang anak? At paano niya haharapin ang katotohanang ang babaeng inupahan niya noon ay ang inang minahal at isinakripisyo ang lahat para sa kanilang anak?
672
I Married The Thug Billionaire - undefined novels & stories
shainamoroll
Kapalit ng kanyang kapatid, siya ay ipinakasal sa isang lalaking kilala bilang tambay na madalas magsimula ng gulo. Namumuhay sila sa matinding kahirapan. Ngunit hindi niya akalain na isang araw, matutuklasan niya ang tunay na pagkatao ng kanyang asawa. Isa pala itong makapangyarihan at misteryosong bilyonaryo. Paulit-ulit na sinabi ni Xeline na imposible iyon. Pagbalik niya sa maliit nilang inuupahang bahay, agad siyang yumakap sa mga bisig ng kanyang asawa. “Ang sabi nila, ikaw daw si Sir Anderson Martin. Totoo ba ‘yon?” Marahang hinaplos ng asawa ang kanyang buhok. “Magkamukha lang kami.” Napasimangot si Xeline. “Napakasama niya! Pilit niyang sinasabi na asawa niya raw ako. Honey, puntahan mo nga siya at bugbugin mo!” Kinabukasan, humarap si Anderson Martin sa lahat na namamaga at pasa-pasa ang mukha, ngunit kalmado pa ring nakangiti. “Sir, ano’ng nangyari sa inyo?” tanong ng assistant. Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Anderson. “Gusto ng asawa ko na bugbugin ko si Anderson Martin. Siyempre, kailangan kong gawin tulad ng gusto niya.”
10
838
Yearning Desire: Reclaimed by My Billionaire Ex-Lover! - undefined novels & stories
Yazellaxx
Marco Elizalde is the literal definition of perfection. He was the "Son of Heaven" and the golden boy of a powerful family. For four years, si Elena Valdez lang ang kaisa-isang reyna sa altar niya. Everyone thought they were endgame, until a messy scandal turned their love story into a public nightmare. Five years later, fate brought them back together. Idiniin siya ni Marco sa pader, his eyes burning with pure hatred. "Disappear cleanly. Huwag ka nang magpapakita sa akin," he hissed. Elena’s answer? Isang maikling, "Okay." Pero kahit anong pilit ni Marco na lumayo, he’s still hopelessly obsessed. Nang mabunyag ang katotohanan, the proud prince finally broke. With bloodshot eyes, he gave her an ultimatum: "Marry me, at ako na ang magpapasan ng lahat ng utang mo."
10
1.6K
ISANG DAHILAN PARA SA KASAL - undefined novels & stories
Sassenach W
"Maaari bang talagang hindi mo alam—hindi mo nakikita—kung gaano ka ka-nakakapigil-hininga, ka-hindi kapani-paniwalang kaganda?" Umayos ng upo si Sara na halatang hindi napapalagay. "Maaari na ba tayong bumalik sa pag-uusap tungkol sa kombinasyon ng kulay para sa sala mo—?" "Tingnan natin." Pinili ni Simon na balewalain ang pagbabago niya ng paksa habang tinititigan siya nito nang may pagtimbang. "Ang buhok mo ay kulay ng hatinggabi—itim na may asul na kintab—at ang mga mata mo—o, Diyos ko. Kaya kong pag-usapan ang mga mata mo buong gabi! Napakaganda ng kulay ng mga ito. Mainit—" "Simon—" "Masaya akong malulunod sa mga 'yan," patuloy niya nang walang awang pagpigil. "At ang balat mo ay kasing-puti at kasing-kinis ng alabastro. At ang bibig mo!" Ang boses niya ay lumalim at naging paos. "Gusto mo bang sabihin ko sa iyo ang mga bagay na inisip kong ginagawa ng malambot, nakatutukso, at nakatambis na mga labing iyan sa akin noong nakaraang dalawang araw?" Matapos ang kanyang kabiguan sa pag-ibig na nagtapos sa isang trahedya ng pagkalaglag ng sanggol, nagdesisyon si Sara McCall na lumayo muna sa anumang relasyon… Hanggang sa dumating si Simon Hamilton, na siyang eksaktong uri ng lalaki na dapat niyang iwasan. Ngunit nang kuhanin ni Simon si Sara upang idisenyo ang interior ng kanyang penthouse, napakagandang oportunidad nito upang tanggihan… at isang bagay na wawasak sa paninindigan ni Sara na manatiling malayo sa kanyang silid-tulugan!
318
One Night Pleasure - undefined novels & stories
Josie M
“You cannot escape from me, Genevieve. Mukhang alam mo na rin naman ang mangyayari sayo, diba? You’re going to marry me and you have no choice but to accept the reality.” The innocent and mysterious Alaric Archer Montenegro Coleman will give you the best one-night pleasure. Genevieve Maia Echeverria dreams of marrying one of the Coleman boys someday. Matagal na siyang may gusto kay Matthias Archer Coleman na gustong-gusto rin ng karamihan sa kanilang eskwelahan. Pero walang pag-asa si Vivi na mapansin siya ng lalaki. Masyado siyang malayo kay Matthias para maiparamdam niya dito na may gusto siya sa lalaki. Pero kahit na hindi siya mapansin ni Matthias ay may isa namang Coleman na gustong-gusto siya... Si Alaric Archer Montenergo Coleman, ang bunsong kapatid ni Matthias. Matagal ng may gusto si Alaric kay Vivi pero ang problema ay hindi siya kagaya ng kapatid niya na si Matthias na gwapo at magaling sa lahat ng bagay. Alaric is a nerd. May pimples sa mukha, hindi marunong mag-ayos ng sarili, walang confident sa sarili, at mahina. Vivi will never likes him. Vivi only likes Matthias, nothing else. Pero paano kung darating ang araw na matupad ang matagal nang pinapangarap ni Vivi na maging isang Coleman? Pero hindi kay Matthias maikasal kundi kay... Alaric Archer Coleman na ayaw na ayaw niya? Tatanggapin niya kaya ito? Because of a one-night pleasure, everything has changed. Will Genevieve accept her destiny?
295

ANG ASAWA NA INIWAN
 - undefined novels & stories
Déesse
Ngayon ang ikatlong anibersaryo ng aming kasal. Nakahanda na ang hapunan… pero hindi siya umuwi. Ang pagsasama namin ay hindi kailanman nabuo sa pagmamahalan, isa lamang itong hindi pagkakaunawaan. Tatlong taon na walang anak, isang biyenang hindi ako kailanman tinanggap, isang asawang malayo ang loob, at gayunpaman… mahal ko pa rin siya. Tatlong araw na ang nakalipas, nalaman kong buntis ako. Ngayong gabi, umaasa akong maibabalita ito sa kanya. Ngunit isang notipikasyon ang sumira ng lahat: isang larawan niya, na hinahalikan ang aking kapatid na babae. Nakilala ko ang lugar. Kinuha ko ang aking susi. Umuwi akong mag-isa. Magdamag akong umiyak. Sa katabing kuwarto, sila'y nagtalik. At ako, nakakulukot sa sofa, narating ko ang pinakailalim ng aking pagkatao. Kinaumagahan, ang kanyang ina ang gumising sa akin sa pamamagitan ng isang baldeng malamig na tubig. Sinigawan niya ako na hindi na ako ang kanyang manugang, na wala na akong dapat pang gawin dito. Kaya umalis ako, basang-basa, napahiya, wasak. Ngunit sa aking bulsa, naroon ang lukot na papel. Ang pangalan ng isang estranghero. Isang tinging pumatak sa akin, kagabi. Ang tanging nakakita sa akin nang totoo. Marahil doon magsisimula ang lahat.
1.2K
Call You Mine by Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 3) - undefined novels & stories
AISOLEREN WP
Lumaki si Rosanna Ysabelle Cortez na masayahin, matalino, at pinalaking may pagmamahal ng kanyang pamilya. Sanay siya sa marangyang buhay, ngunit nananatiling mapagkumbaba at handang ipaglaban ang mga taong mahal niya. Isa lang ang hindi niya kailanman nagawang patawarin—si Leandro Oliver Montemayor, ang lalaking minsang humamak sa kanya at nag-iwan ng sugat na hindi niya nalimutan. Para kay Leandro, spoiled at walang kwenta lang si Rosanna. Ngunit nang subukan niyang lapitan ito bilang bahagi ng isang laro, hindi niya inaasahang siya mismo ang unti-unting mahuhulog. Sa mundong puno ng kapangyarihan, panganib, at madidilim na lihim, ang simpleng galit ay nauwi sa mapanganib na pag-ibig. Ngunit sa mafia, ang pagmamahal ay may kapalit. At kapag tinawag ka ng isang Mafia Lord na "Mine," wala nang paraan para makatakas pero para kay Rosan ay meron paraan iyon ay wala siyang pakialam.
267
Dating the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 2) - undefined novels & stories
AISOLEREN WP
Hindi kailanman inakala ni Francesca Louise Aragon na ang simpleng pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral ay hahantong sa isang mundong puno ng panganib. Isang masayahin at masipag na probinsyana, napunta siya sa Maynila matapos makapasa sa isang prestihiyosong unibersidad bilang scholar. Buo ang loob niyang baguhin ang buhay para sa pamilya. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Severino Alonzo Montenegro—isang makapangyarihan at kinatatakutang Mafia Lord. Sa pagitan ng galit, tukso, at bawal na damdamin, unti-unting nahulog si Francesca sa lalaking dapat niyang layuan. Ngunit paano kung ang pag-ibig na iyon ang magdala sa kanya sa lihim na hindi niya inaasahan?
630
Love Me Hard, Uncle Oscar - undefined novels & stories
WiloAgcol
Sa buong buhay niya, kilala niya si Oscar bilang Uncle Oscar, ang lalaking laging nandiyan kapag kailangan niya ng tulong, ang taong nagpoprotekta sa kanya, nag-aalaga sa kanya, at naging sandalan niya sa lahat ng pagkakataon. Pero hindi niya inakalang darating ang araw na hindi na niya kayang balewalain ang kakaibang tibok ng puso niya sa tuwing nakatingin ito sa kanya. Para kay Oscar, siya ang nag-iisang babaeng hindi niya dapat kailanman hangarin. Masyado siyang mahalaga, masyadong inosente, at higit sa lahat, ayaw niyang mawala ito. Kaya itinago ni Oscar ang bawat bawal na damdamin sa likod ng pagpipigil at nagpanggap na walang ibig sabihin ang tensiyong unti-unting namamagitan sa kanila. Hanggang isang gabi, tuluyan niyang itinanong ang bagay na matagal nang pilit iniiwasan ni Oscar. "Uncle Oscar, why do you look at me like you want me?" Isang tanong lang ang sapat para mabasag ang matagal niyang pagpipigil. Ngayon, kailangan ni Oscar na mamili. Lalayo ba siya sa babaeng unti-unting umagaw sa puso niya, o susuko siya sa isang pag-ibig na maaaring sirain ang lahat ng pinanghahawakan nila? Dahil minsan, ang pinakamapanganib na pag-ibig ay ang damdaming pinakamahirap mong amining nararamdaman mo. At sa pagkakataong ito, handa na si Uncle Oscar na mahalin siya nang higit pa sa kaya niyang pigilan.
255
The Billionaire’s Sexy Karma - undefined novels & stories
Huling Paraluman
Seven years ago, sa sukdulan ng desperasyon, napilitan si Purisima na pasukin ang isang lihim at marangyang underground prostitution house. Doon niya nakilala ang isang exclusive client na kailanman ay hindi niya nasilayan ang mukha. Pareho silang nakatago sa likod ng maskara. Lavender na maskara ang suot niya habang nanatiling anino ang lalaking gumulo sa kanyang buhay sa loob lamang ng isang gabi. Ngunit hindi niya inaasahang may mabubuong bunga mula sa gabing iyon. Makalipas ang pitong taon, lumaking puno ng katanungan ang kanyang anak at pilit hinahanap ang ama na hindi nito nakilala. Dahil sa takot na masaktan ang bata, napilitan si Purisima na gumawa ng kasinungalingan. Isang guwapong lalaki mula sa mga litratong napulot niya sa kalsada ang ipinakilala niyang ama ng kanyang anak. Ang hindi niya alam, ang lalaking nasa litrato pala ang mismong magiging boss niya sa kumpanyang inaaplayan niya.
1.6K
Ang Maid sa Bisig ng Dalawang Bilyonaryo - undefined novels & stories
Eliana Asher
Si Violet ay isang simpleng maid sa mansyon ng mga Valmonte. Tahimik ang buhay niya hanggang sa isang gabing inutusan siyang maghatid ng pagkain sa kuwarto ni Killian—ang gwapo, mayaman, at kilalang playboy na anak ng kanyang amo. Ang simpleng utos ay nauwi sa isang gabing hindi niya malilimutan. Ngunit habang unti-unti siyang nahuhulog, ipinadama ni Killian na isa lamang siyang pampalipas-oras. Higit pa roon, nakatakda na itong pakasalan ang kababata nitong si Isabella Castellano. Durog ang puso, pinili ni Violet na lumayo. Ngunit pagbalik ni Killian mula Switzerland, nalaman ni Violet na buntis siya. Upang protektahan ang sarili at ang kaniyang anak, nagsinungaling siyang hindi si Killian kundi ang kababata niyang si Zenon Mallari ang ama. Ang hindi alam ni Violet, hindi ordinaryong construction worker ang kababata niya. Si Zenon ay isa palang makapangyarihang business tycoon na matagal nang nagtatago sa likod ng simpleng pagkatao—at matagal na rin siyang may lihim na pagtingin kay Violet. Habang pilit namang inaangkin ni Killian ang batang pinaniniwalaan niyang sa kanya, unti-unting inilalantad ni Zenon ang tunay niyang pagkatao. Sa pagitan ng lalaking unang dumurog sa puso niya at ng lalaking matagal nang handang protektahan siya, sino ang pipiliin ni Violet?
689
Sold to the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 1) - undefined novels & stories
AISOLEREN WP
Taong 1999 sa Quezon City. Dahil sa kahirapan at lumalalang kondisyon ng kanyang lola, desperadong naghahanap ng paraan si Carlota Divina Hidalgo upang makahanap ng malaking halaga ng pera para sa pagpapagamot nito. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Nimuel, nalaman niya ang tungkol sa isang lihim na online network na naghahanap ng mga kabataang babae kapalit ng malaking bayad. Bagama't nag-aalinlangan at natatakot, napilitan siyang sumama dahil wala na siyang ibang mapagpilian. Ngunit hindi niya inaasahan na ang mundong kanyang papasukin ay konektado sa isang makapangyarihang mafia organization na pinamumunuan ni Crisanto Olivio Justo. Sa isang iglap, nagbago ang kanyang buhay nang siya ay mapabilang sa isang kasunduang hindi niya kailanman ginustong pasukin. Habang unti-unting nahuhulog ang loob niya sa lalaking kinatatakutan ng lahat, mas lalo namang lumalalim ang mga lihim, panganib, at pagtataksil sa kanilang paligid. Sa gitna ng pagmamahalan at kaguluhan, kakayanin kaya ni Carlota na iligtas ang sarili at ang kanyang lola, o tuluyan siyang magiging pag-aari ng mafia lord na nagbago ng kanyang kapalaran?
515
RAW AND OLDER - undefined novels & stories
JET HERRERA
Synopsis: “You don’t have to change yourself in order to be my ideal woman. `Coz you are that woman.” -Captain Lark Adriel Calumpang Kahit na duda kung totoong siya ang ama ng ipinagbubuntis ay napilitan si Captain Lark Adriel Calumpang na pakasalan si Maricel Paligumba dahil namimilegro ang kanyang military career. Sa kanyang edad ay wala pang balak na mag-asawa si Maricel Paligumba. Lalo na sa isang sundalo na thirty five years old na! Pero dahil buntis siya, pinilit niya itong panagutan siya. Pumayag naman ang sundalo pero nagpapirma ito ng kasunduan sa kanya at iniwan siya nitong mag-isa sa honeymoon nila. Walang manners na matanda! Sa galit ay walang salita niya itong nilayasan. For sure hindi siya nito hahanapin dahil naniniwala ito na hindi ito ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.
10
1.3K
Hired to Seduce, Paid to Destroy - undefined novels & stories
Margaux Wilde
“I hired a stranger to break my ex. I didn’t know he was already paid to destroy me...” Si Mayor Savannah Castello ay kilala bilang “Ice Queen” ng San Quentin - palaging subsob sa trabaho at malamig sa mga lalaki. Ito ay matapos siyang lokohin at ipagpalit ng kanyang ex-fiancé na si Kristoff Torres. Kaya nang bumalik si Kristoff, ginamit ni Savannah ang isang male escort - si Zach, para magpanggap na bago niyang kasintahan. Ang simpleng plano: saktan ang ego ng ex niya sa harap ng publiko. Pero sa bawat nakaw na halik sa opisina at sa isang mapusok na gabi sa ibabaw ng kanyang mayoral desk, tuluyan siyang nahulog kay Zach. Ngunit ang hindi alam ni Savannah, pumasok si Zach sa buhay niya na may bitbit na lihim. Sa laro ng pagtataksil at paghihiganti, sino ang totoong panalo kung ang tanging sandata mo para makabawi ay ang lalaking handang magbuwis ng buhay para sa 'yo?
10
481
PREV
12

You May Also Like

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status