TristarNight
Wala namang taong may galit sa pera, 'di ba? Kaya si Lily Alvarez a.k.a. Inday hinding-hindi tatanggi sa datung! Lahat ng raket, legal man o medyo "subok sa tibay," papatusin niya para lang maiahon sa gutom ang pamilya niyang halos asin na lang ang ulam sa probinsya.
Dahil sa pangarap na 'to, lumuwas si Inday ng Maynila para maging stay-in housemaid sa isang kulay-ginto at kulay-dugong mansyon. Deadma na sa weird vibes ng bahay, basta makasahod! Pero pagpasok niya, doon niya nakilala ang amo niyang si Damien Halbert Palma o mas kilala sa pantasya ni Inday bilang "Mr. Daks." Si Mr. Daks ay ang perpektong kahulugan ng Dark Romance: pumatay-mata ang kagwapuhan, amoy perwisyo at mamahaling pabango, napakasungit, may kakaibang dilim sa pagkatao... at pang-R-18 ang tindig!
Kahit araw-araw siyang sinesermunan at tinatakot ni Mr. Daks, hindi natitinag ang fighting spirit ni Inday. Bakit? Kasi crush na crush niya ang amo! Ang ultimate goal niya: Kumita ng milyon, at kahit isang beses lang, matikman ang labi ng kinatatakutang boss/CEO.
Isang gabi, dahil sa tapang at kabaliwan, subukang inakit ni Inday si Mr. Daks. Akala niya matatampal siya o ipapakain sa pating, pero humanda ang panga ni Inday dahil lumabas ang ganid ng kanyang amo at kumagat ito sa kanyang patibong!
Lalong gulo ang abutan nang sumingit ang baliw rin na karibal ni Mr. Daks na si Harold Ace Salvador isang pilyong milyonaryong gustong agawin ang lahat kay Damien, kabilang na ang puso (at katawan) ni Inday!
Magiging maayos ba ang buhay-yaya ni Inday o magiging ganap na siyang Dark Romance Heroine na laging hapong-hapo sa kwarto ng amo? May mabubuo kayang pagmamahalan sa pagitan nila? Sino kaya ang pipiliin ni Inday sa kanilang dalawa? magiging happily ever after kaya ang buhay niya?
126