Memories of the Past [COMPLETED]
Bilang pambungad binigkas ni Padre Ignacio ang sumusunod na salita mula sa Aklat ni Esdras; "At iginawad mo sa kanila ang iyong mahiwagang diwa para palaganapin mo sa kanila ang pangangaral at doon mo binawi ang salita ssa kanilang bibig at binigyan ng tubig upang mapawi ang kanilang uhaw."
Hanga sina Padre Pedro at Padre Martin sa pambungad na sermon ni Padre Ignacio. Ang unang bahagi ng sermon ay Kastila at ang huli'y sa Tagalog.
Ipinagpatuloy ni Padre Ignacio ang sermon, "Kagalang-galang na Alkalde, kabanal-banalang mga pari, mga Kristyano, mga kapatid kay Cristo." Sandaling tumigil at nang pansinin na ang kapaligiran ay nagpatuloy, itinuro ang pinto at dagliang isinara ng mga sakristan s