ANG PIYAYA NI PIPAY
Buhay ko ito, hindi nila pwedeng diktahan.
"Pipay, huwag kang magpaka-emosyonal," malamig na sagot ni Papa. "Lahat ng ginagawa namin ay para sa ikabubuti mo. Hindi mo ba nakikita? Nasa tamang landas ka na."
Ang tamang landas? Napatawa ako nang mapait. "Tamang landas? Papa, ang tingin ko lang ay tinatahak ninyo ang landas na gusto ninyo, hindi kung ano ang tama para sa akin."