CARIÑO ETERNO
Gusto ko sanang mainis sa kanya dahil binabara niya ako, pero parang mas natutuwa pa ako na ginagawa niya sa akin yun.
“Kaya nga ipapakilala kita sa Diyos ko, kay Hesus, kaarawan niya ngayon kaya mahalagang makapagsimba tayo ngayong araw” nakangiti niyang saad sakin. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Tumalikod siya at tuluyan ng pumasok sa simbahan. Hindi ko alam kung anong klaseng paniniwala at kung ano ang sinasamba ng aking mga ninuno, pero ang sabi ni Ama, ang tawag sa Diyos ng aming mga ninuno ay Bathala. Naniniwala din ang mga ninuno ko sa mga anito at espiritu ng kalikasan. Pero niminsan hindi nasubukang sambahin sila, dahil na rin sa aming sitwasyon sa panahong ito.
Bab Populer