Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1
May isang king-sized bed na nababalutan ng kulay asul na kobre-kama, dalawang side table, isang working table na nasa isang tabi na nahihinuha niyang sa lalaki at doon nagtatrabaho kapag nasa bahay ito.
Mayroon ding TV, DVD-BHS player, dalawang maliit na speaker, at syempre, mga CD at BHS tape. Carpeted na kulay brown ang sahig at may isang simpleng wall cabinet na naglalaman ng ilang mga libro, laruang kotse na luma na, ilang collectible items ng mga robot na laruan, at isang drawing na naka-frame na base sa obserbasyon niya ay matagal na ring naiguhit.
May apat na pintuan din s’yang nakikita na alam niyang isa para sa banyo, sa dresser nito, sa balcony, at ang isa naman ay hindi niya sigur
Hot Chapters