SEAL OF LOVE
Isa itong napakaimportanteng tagpo na hindi niya malilimutan.
Ngumiti si Veronica ng magaan at sabay na sumagot, “Thank you, Sir, sa compliment.” Ngunit hindi na siya nagtagal sa harap ni Mr. Santiago. Alam niya na may mga dapat siyang asikasuhin sa kanyang cubicle. Kaya, naglakad siya patungo sa kanyang pwesto at dahan-dahang naupo. Habang nag-aayos ng kanyang mga gamit, naramdaman ni Veronica ang mga mata ng kanyang mga kasamahan na patuloy na nakatingin sa kanya. Hindi siya magpapaapekto. Alam niyang may mas mahahalagang bagay pa siyang dapat pagtuunan ng pansin, at hindi na niya kailangan ng approval mula sa iba.
Hot Chapters