CHAINED
Sa hindi kalayuan may gumagalaw na pigura, at wala pang isang segundo ay nakarating na ang nilalang sa wasak na silid.
Sa pagkakataong ito ay kumilos na ang nakaupong nilalang mula sa kinauupuan nito at walang takot na hinarap ang bagong dating na nilalang, muling kuminang ang patalim na nasa kaliwang kamay niya at bago pa man makakilos ang nilalang na nasa kanyang harapan ay walang pag -aalinlangang sinugatan nang napakalalim ang kanang pulsuhan niya gamit ang kumikinang na patalim na ngayon ay nababahiran na ng malapot at napakapulang dugo, dumausdos ang masaganang dugo mula rito.
ตอนยอดนิยม