Fated to Love You
Naiwang nganga si Kalel, ang aga-aga mahilig nang mang-asar kaya pinatulan na naman niya.
UMORDER ng kape si Mayumi at naupo sa bandang gilid, tanaw ang mga bundok na napapaligiran ng mga makapal na hamog. Ang gandang pagmasdan ng view. Pagkabigay sa kaniya ng tasa ng kape ay kaagad siyang sumimsim ng mainit na kape. Masarap ang brewed coffee nila, bagay sa napakalamig na klima.
Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni-muni ng tumabi sa kaniya si Kalel, this man is so weird, mas gusto nitong ginagalit si Mayumi kaysa makipagbati.