ANG PIYAYA NI PIPAY
Pero sa likod ng mga luhang iyon, nakita ko ang walang kapantay na pagmamahal.
"Tristan," malambing niyang simula, "hindi ko inakala na ang isang kasunduang kasal ay hahantong sa totoong pagmamahalan. Sa'yo ko natutunan kung paano magmahal nang totoo at walang alinlangan. Ipinapangako ko na aalagaan kita, susuportahan, at mamahalin — sa lahat ng panahon. Ikaw ang tahanan ko, ang aking kapalaran, at ang aking 'forever.'"
Hindi ko napigilan ang luha ko. Ngayon, wala nang kasinungalingan. Walang dahilan para magpanggap.