THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE
Si Elijah Juarez, 25 years old, ipinanganak sa kahirapan ngunit itinadhana para sa marangyang buhay. Pinakasalan niya ang lalaking pinapangarap ng lahat — si Lejandro Ferman, anak ng isang bilyonaryo at tagapagmana ng pinakamalawak na hacienda sa bayan ng Velegas. Isang kasal. Isang pangakong walang hangganan. Isang buhay na tila perpekto...
Pero paano kung ang lahat ng ‘perpekto’ ay bigla na lang maglaho?
Ginawa kang alipin. Utusan. Alila. Pinagmalupitan. Tinanggalan ng dignidad.
At ang lalaking pinakasalan mo — si Lejandro — bumalik sa Pilipinas… Ngunit hindi para iligtas ka. Kundi para ituring kang hindi asawa, kundi isang hamak na katulong sa kanilang hacienda.
"Saan hahantong ang pagiging asawa ng isang bilyonaryo kung hindi ka niya kinikilala bilang asawa?"
Aalis ka na lang ba? O haharapin mo ang mapait na katotohanan?
Paano kung isang araw... Bumalik ang alaala ni Lejandro, ngunit ibang babae na ang nasa kanyang puso? Dahil sa mapanlinlang na si Furtiza, ang tunay mong pagkatao ay ninakaw… At ikaw na si Elijah, ay ipinakilalang katulong — sa iyong tunay na asawa.
Isang kwento ng pagnanasa, pagkakalimot, at pagtataksil. Handa ka bang maramdaman ang sakit ng pagmamahal na binura ng panahon?