Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)

ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)

Narnia Melpomene Alvarez—ang tinaguriang "rebelde" na kakambal ni Urania, ayon sa kaniyang tiyuhin na si Luis Grimaldi. Buong buhay niya, iisa lang ang kanyang layunin: ang makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang, anuman ang kapalit. Sa murang edad pa lamang, buo na ang kanyang loob na ipaglaban ito, kahit sariling buhay ang isugal, lalo na para sa natitira niyang pamilya—ang kakambal niyang si Urania. Kaya’t hindi na nakapagtataka nang sumali siya sa isang lihim na grupo na konektado sa underground society. Alam niyang delikado ito, pero iyon ang tanging paraan para maabot ang matagal niyang pinapangarap. Ngunit isang gabi ang nagbago ng lahat—isang gabing ginulo ng hindi inaasahang estranghero. Ang pagtulong niya kay Zuhair Eros Smith ay tila isang maling hakbang na hinding-hindi niya makakalimutan. Bigla na lang napasok si Eros sa buhay niya—isang lalaking misteryoso, mapang-asar, at puno ng mga lihim. Wala sa plano ni Narnia ang pagbukas ng kanyang puso para sa sinuman, lalo pa’t hindi niya lubos kilala ang lalaking tila may koneksyon sa kanyang madilim na nakaraan. Hanggang saan ang kaya niyang isugal para sa pangako niya sa kanyang pamilya? Paano kung ang taong nagbubukas ng pintuan sa pagmamahal ay isa ring susi sa kasinungalingan? At paano kung ang laban para sa hustisya ay makasira sa pag-ibig na unti-unting namumuo? Ngayong nagbabanggaan ang kanyang puso at prinsipyo, kailangan niyang pumili: ipaglaban ang nakaraan o tanggapin ang pagmamahal na dala ng lalaking hindi niya sigurado kung kaibigan o kalaban.
103.7K viewsCompletedAdded to Library 130 Times as dragão
Read
+Library
Tempted By My Husband's Uncle

Tempted By My Husband's Uncle

She forced Theo Alcaraz to marry her, but later found herself tempted by another Alcaraz. ***** Malandi at mang-aagaw. Iyon ang tingin ng lahat kay Luna Amaris Pedrigal. Nagkagusto siya kay Theo Alcaraz, ang boyfriend ng pinsan niya at anak ng mayamang pamilya sa kanilang bayan. May nangyari sa kanila ni Theo at nabuntis siya, ngunit tinatanggi nito na ito ang nakabuntis sa kaniya. Sa huli, wala na rin itong nagawa kundi ang pakasalan siya. Pinilit ni Luna na maging mabuting asawa kay Theo sa kabila ng malamig nitong pagtratosa kaniya. Kahit na palaging pinamumukha nito sa kaniya na hindi siya nito mahal at ang batang nasa sinapupunan niya lamang ang dahilan kung bakit sila nagpakasal. Ngunit isang aksidente ang naganap at nawala ang nag-iisang batang nag-uugnay sa kanilang mag-asawa. Dahil sa nangyari ay mas lalong nawalan ng pakialam si Theo kay Luna. Hanggang sa muli bumalik ang dating girlfriend ni Theo na si Candice upang bawiin daw umano ang lalaki. Pero kasabay noon ay dumating sa buhay nila ang gwapo at makisig na si Atticus Alcaraz, ang illegitimate son ng Lolo ni Theo. Sa pagdating nina Candice at Atticus, mas lalong gugulo ang buhay nilang mag-asawa. Hindi inaasahan ni Luna na magkakaroon ng interes sa kanya ang lalaki. Kaya ba niyang iwasan ang tuksong dala ni Atticus upang hindi magkasala sa asawa? O magpapadala siya sa init ng mga haplos at yakap nito? Sino nga ba ang pipiliin ni Luna? Si Theo na asawa niya o si Atticus na handang gawin ang lahat, makuha lang siya?
1.1K viewsOngoingAdded to Library 34 Times as dragão
Read
+Library
ONE MORE NIGHT

ONE MORE NIGHT

Si Jecelle Mendez ay hindi lang basta pangalan—siya ang tagapagmana at leader ng pamilyang Mendez. Matalas ang isipan, matibay ang paninindigan, at sanay na hawak ang lubid ng kapangyarihan. Sa mundo ng negosyo, kilala siya bilang babaeng hindi natitinag, walang kinatatakutan, at laging nananaig. Pero sa likod ng kanyang matapang na anyo, may pusong matagal nang natakot magtiwala, lalo na sa mga taong may parehong impluwensya sa kanya. Hanggang sa makilala niya si Christopher Lanchan. Bilang pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa bansa, si Christopher ay kasing-tindi at kasing-husay ni Jecelle. Sanay siyang makuha ang lahat ng gusto niya sa isang iglap, pero nang magtagpo ang kanilang landas, naramdaman niyang sa babaeng ito lang niya naramdaman ang tunay na hamon. Sa bawat pagharap nila, tila naglalaban ang dalawang makapangyarihang pwersa—matalim na palitan ng salita, matinding tinginan, at hindi maikakaila na atraksyon. Ang nagsimula tunggalian ay unti-unting nauwi sa pagnanasa. Pareho nilang alam na delikadong magmahal ng kapwa may hawak ng malaking kapangyarihan. May mga lihim, karibal, at panganib na nakapaligid sa kanilang mga pamilya. Nang dumating ang oras na kailangan nilang pumili—panatilihin ang kanilang dangal at kalayaan, o isugal ang lahat para sa pag-ibig—napagdesisyunan nilang ibigay ang kanilang sarili sa loob ng isang gabi. Pero ang tanong: Sapat ba ang One More Night para magbago ang lahat? Matutunan kaya ng dalawang taong sanay mag-utos na sumunod sa tibok ng puso? O ang kanilang kapangyarihan ang magiging hadlang upang maging tunay na magkasama?
112 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as dragão
Read
+Library
Under His Possession

Under His Possession

Masaya na at kuntento kahit naghihirap sa buhay ang dalagang si Janiya. Para sa kanya, lahat ay makakaya at malalagpasan niya basta't kasama niya ang kaisa-iss na lang niyang pamilya- ang Papa Crisanto niya. Pero paano kung isang araw, bigla na lang siyang iwan ng pinakamamahal niyang ama? Iniwan siya nito nang wala kahit maayos na paalam man lang. Iniwan siya nito nang walang kahit ano maliban sa isang pirasong papel kung saan nakasulat ang dalawang address ng mga lugar na hindi niya alam. Isa na roon ang lugar na tinawag nitong "Mansion de Castillejos". Doon umano nakatira ang matalik na kaibigang babae ng ama niya- si Yvonne. Ngunit nang marating na niya ang mansiyon, isang nakakagulat na rebelasyon ang sumampal sa kanya- dalawang taon na palang patay ang babaeng pakay niya. At ang tanging naiwan nito sa mansiyon ay ang katulong na si Gervacia at ang nag-iisa nitong anak na lalaki, si Strike Vicencio o "SV"- isang kilalang CEO hindi lang dahil sa kagwapuhang taglay nito kundi lalo na sa pagiging enigmatiko at misteryoso- na walang pagdadalawang-isip na inako ang pangangalaga sa kanya pansamantala habang hindi pa bumabalik ang ama niya. Ano ang nakatakdang mangyari sa pagsasama nila ng binata sa iisang bubong? At paano kung unti-unti ay makaramdam siya ng pagtatangi sa lalaki? Lalabanan ba niya ang sariling nararamdaman o ipaglalaban at gagawin niya ang lahat para maangkin ang supladong bilyonaryo, kahit na sampung taon ang agwat ng edad nila sa isa't-isa at nalalapit na rin itong ikasal sa iba?
103.7K viewsCompletedAdded to Library 89 Times as dragão
Read
+Library
Desiring His Ex-wife

Desiring His Ex-wife

Dalawang taong kontrata lang ang kasal nina Hugo at Carnation. Pagkatapos ng dalawang taon, maayos silang naghiwalay. Pero bago ang kanilang divorce, isang gabing hindi nila inaasahan ang nagbago ng lahat. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Carnation at muli silang nagtagpo. May bago nang nobya si Hugo, ngunit hindi maitago ni Carnation ang selos at pagnanasa. Hanggang sa isang mainit na gabi ang nagbunyag ng damdaming hindi pa rin naglalaho. Pipiliin ba ni Carnation na sirain ang relasyon? O matutuklasan nila ang mga lihim na pilit nilang tinatago, mga lihim na magbabalik sa kanila sa nakaraan na pilit nilang iniiwasan?
587 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as dragão
Read
+Library
The Iron and Silk

The Iron and Silk

Si Zariah Luccien Ybañez ay mapagmahal na kapatid at handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. At sa hindi inaasahan ay tinakbuhan ng lalaking nakabuntis ang kapatid niyang bunso at sumabay pa ang kuya niyang may utang na sampung milyon. Pinatawag si Zariah ng boss niya sa opisina nito. Ayaw niya sanang pumunta dahil ex-boyfriend niya ito, at ayaw niyang makita. nang makarating ng opisina ay inalok siya ni Froilan ng contract marriage. Kapalit ay babayaran nito ang utang niya at sasagutin ang gastusin ng bunso niyang kapatid. Tatanggapin ba ni Zariah o pipiliin mabaon sa utang kaysa makasama ang ex niya?
10751 viewsOngoingAdded to Library 21 Times as dragão
Read
+Library
The Dark Side Of Love

The Dark Side Of Love

Hazzel Quinn
Apollo Draco Almazan was blinded due to an accident and his girlfriend was killed. This caused him to have a bad attitude towards everyone around him not until he met Asha Dola Dominguez. Asha also has a bad memories in her past that makes Apollo comfortable around her. Nang nakakakita na ulit si Apollo ay nabighani siya sa kagandahan ng dalaga, ngunit pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya ang namatay na kasintahan kaya pinilit niyang mawala ang nararamdaman niya para sa dalaga. Pero patuloy niya pa rin kaya itong mamahalin kapag nalaman niya ang tinatagong lihim ng inakala niyang patay na? O hahayaan niya ang pusong mahalin si Asha at parusahan ang taong nais pumatay sa kanya.
3.9K viewsOngoingAdded to Library 112 Times as dragão
Read
+Library
I have your son, Mister Billionaire

I have your son, Mister Billionaire

BLURB: Suraidah Agos and Crane Laviste were classmates before. Noong gabi pagkatapos ng acquaintance party ng kanilang paaralan ay nagkaroon sila ng hindi inaasahang encounter na nauwi sa pagdadalang-tao ni Suraidah. Lasing si Crane noong gabing iyon kaya ay hindi niya alam na si Suraidah ang babaeng kaniig niya. Itinago naman ni Suraidah ang katotohanan na iyon at hanggang ngayon ay pilit niya itong inililihim. Subalit muling nagkaroon ng koneksyon ang dalawa nang magkita sina Crane at Caelan, anak nila ni Suraidah. Malalaman kaya ni Crane na anak niya si Caelan? O paninindigan ni Suraidah ang layuning ilayo ang anak sa Daddy nitong Billionaire?
183 viewsOngoingAdded to Library 6 Times as dragão
Read
+Library
Hired to Serve, Forbidden to Love

Hired to Serve, Forbidden to Love

Twelve million pesos. Iyon ang halaga ng utang ng pamilya ni Calessia Zerdan, at ang presyong nagdala sa kanya sa poder ng CEO na si Marc Landon Belmonte. Sa ilalim ng isang personal service contract, kailangan niyang sundin ang bawat utos ng lalaking kilala sa pagiging walang awa. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, nagiging mas mapanganib ang relasyon nila, lalo nang magsimulang mabura ang linya ng kontrata at pag-ibig. Hanggang may bumalik mula sa nakaraan, dala ang katotohanang kayang sumira sa lahat. Mapipilitan si Calessia na pumili… kalayaan, o ang lalaking una pa lang, hindi niya dapat minahal.
106.5K viewsOngoingAdded to Library 189 Times as dragão
Read
+Library
She Replaced the Billionaire’s Wife

She Replaced the Billionaire’s Wife

Hindi kailanman sumagi sa isipan ni Raina na papalitan niya ang position ng kanyang kapatid na si Reina, bilang asawa ni Marcus. Ang kasal na tinakasan ng kapatid. Sigurado siya na hindi rin siya papansin ni Marcus sa oras na siya na ang asawa nito kaya pumayag siya, ngunit sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang nagbago ang ugali ni Marcus. Nagbago ang lahat, ang dating kinukwento ng kapatid ay nag-iba. Ano ang gagawin niya? Tatakas narin ba siya kagaya ng kapatid? O mananatili sa tabi ng lalaking ni minsan ay hindi niya pa kilala nang lubusan.
101.7K viewsOngoingAdded to Library 65 Times as dragão
Read
+Library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status