BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)
Mula sa deep-set almond eyes na kay lalim kung tumitig, maliit at matangos na ilong, may kakapalang labi ngunit mamula-mula, dark brown wavy hair, ay masasabi niyang ito na yata ang pinakagwapong nilalang na nakita niya sa tanang-buhay.
Nakadagdag pa sa charisma nito ang pagkakaroon ng clef chin na talagang bumagay dito. Kakatwa nga lang ang bihis nito dahil nakasuot ito ng all black na sweat shirt at pants. Para tuloy itong si Edward Cullen sa pelikulang ‘Twilight’ dahil litaw na litaw ang kaputian ng lalaki dahil sa kulay ng suot nito.
“Good morning Sir Zack,” bati ng mga empleyadong kasabay ni Calley. Ngunit bago pa niya iyon ma-realize, nawala na ang lalaki sa paningin niya.