ANG TAKAS
Naramdaman niyang unti-unting nawawala ang stress sa kanyang katawan at isipan.
“Relax, Sophie. Relax! Everything will be fine.”
Pilit niyang binubura sa isip ang tumatakot na ekspiriyensang kanyang naranasan, kaninang nag-iisa siya sa ilang na lugar.
“Wala kang nakitang multo kanina, Sophie, " pakikipag-usap niya sa sarili, "mga anino lang ‘yun ng mga sanga at dahon ng mga punong nasa kapaligiran ng lugar na iyon,” pagkokondisyon pa sa sariling isip, “nakita mo naman na nabakling sanga lang ng punungkahoy ang kumalabog sa hood ng kotse…hindi multo! Ang hilig mo kasing manood ng mga horror movies, ayan tuloy ang napala mo.” Pangangaral pa sa sarili.
Bab Populer