CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD
**MATURE CONTENT**
When a Gay Meets His Match: A Badass Lady Bodyguard with a pretty cheeky brain.
Si Fourth Misuaris ay isang mayamang A-list actorβrebellious, palaban, at sanay sa buhay na siya ang nasusunod. Ngunit magbabago ang lahat nang dumating si Caramel Morgan, isang dating secret agent na ini-hire ng daddy niya na maging bodyguard at office secretary niya.
Hindi alam ni Fourth, matagal na silang may koneksyon. Limang taon na ang nakalipas mula nang maganap ang isang gabi ng pagkakamali sa pagitan nila. Isang gabi na nagbunga ng isang lihim na anak.
Habang pilit tinatago ni Caramel ang nakaraan, hindi niya maitanggi ang muling pag-usbong ng damdamin sa pagitan nila. Ngunit kasabay ng paglapit ng mga puso nila ay ang lalong paglala ng mga komplikasyon: arranged marriage, mga lihim, at mga planong hindi natuloy.
Pagkalipas ng ilang taon ng pagkakahiwalay at sakit, muling bumalik si Fourth, handang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit puno pa rin ng sugat ang kanilang nakaraan. Isang dramatic rescue, isang gabi ng katotohanan, at isang muling pagkakataon ang magtutulak sa kanila sa desisyong piliin ang isaβt isa hindi dahil kailangan, kundi dahil mahal nila ang isaβt isa nang totoo.
Isang kwento ng pagmamahalan, pamilya, at tapang kung saan ang tunay na pag-ibig ang magtatapos sa lahat ng sakit.