Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband

One Month Deal with my Cold Hearted Billionaire Husband

“Let’s have a deal. Let me be your real wife just for one month, Dashiel.” Isang simpleng hiling iyon. Parang huling pakiusap ng isang babaeng pagod na pagod nang masaktan. Para kay Addison Leigh Castillo, iyon na lang ang natitira sa kanya, ang huling piraso ng dignidad kapalit ng pagmamahal na ibinigay niya kahit kailan ay hindi niya naranasang masuklian. Alam na ni Addison simula pa lang na ang kasal nila ay hindi dahil sa pag-ibig. Pinakasalan siya ni Dashiel Kristian Gutierrez dahil sa obligasyon at sa kagustuhan ng lola nito. Walang lambing, walang yakap, walang titig na may damdamin. Tahimik lang ang bahay, malamig, at hindi kailanman naging tahanan. Pero kahit ganoon, kumapit pa rin si Addison. Sinubukan niyang maging mabuting asawa. Tahimik siyang umasa na baka balang araw, matutunan siyang mahalin ni Dashiel. Hanggang sa unti-unti siyang naubos. Gusto nang pakasalan ni Dashiel ang babaeng mahal nito talaga. At ang mas masakit, buong pamilya nito ang pumayag. Doon tuluyang gumuho si Addison. Kaya gumawa siya ng isang huling kahilingan. Isang buwan lang. Isang buwan na tratuhin siya bilang tunay na asawa. Isang buwan na maramdaman kung ano ang pakiramdam na mahal ka. Pagkatapos noon, aalis na siya nang tuluyan. Para kay Dashiel, desperado lang si Addison. Isang babaeng ayaw pang bumitaw. Pero mali siya. Sa loob ng isang buwan, unti-unting nagbago ang lahat. Napansin niya ang mga ngiti ni Addison, ang tahimik pero buo nitong pagmamahal, at ang paraan ng pag-alis nito, walang reklamo, pero may iniwang sakit sa puso niya. Doon niya napagtanto ang lahat. Nang makita niya ang pagmamahal na matagal niyang binalewala, saka lang niya ito naramdaman. Pero huli na ba? O lalaban ba si Dashiel; sa pamilya, sa nakaraan, at sa sarili niyang pagkakamali, para sa isa pang pagkakataon? “One more chance,” bulong ng puso ni Dashiel. Pero handa pa bang bumalik si Addison… o tapos na talaga ang kwento nilang dalawa?
1017.8K viewsOngoingAdded to Library 675 Times as half-hearted meaning
Read
+Library
Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)

Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)

Mataas ang expectation ng angkan ni Raina sa kanya bilang siyang pinakamatalino sa lahat ng magpipinsan. She was loved and well-respected by everyone. Ngunit sa isang iglap ay naglaho ang paghanga sa kanya ng buong angkan niya maging ang sarili niyang pamilya nang bigla na lamang siyang mabuntis at walang maipakilalang ama sa pamilya niya. And a sudden twist of event, nakilala niya si Evo Mondragon, ang mayamang fiance ng kanyang half-sister at siyang ama ng batang ipinagbubuntis niya...
98.5K viewsCompletedAdded to Library 287 Times as half-hearted meaning
Read
+Library
Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog

Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog

Jhennie Myler
Isang maunawain, masipag, malambing at mabait na asawa si Janine, kaya naman nakatagpo rin siya nang isang responsableng lalaki si Rigor. Masaya ang buhay mag-asawa nila, kahit na tila hindi tanggap ng kanyang ina si Rigor, ganun rin naman ang mama ni Rigor sa kanya. Ngunit hindi iyon naging hadlang sa pagbuo nila ng masayang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahan ay makakagawa ng matinding kasalanan si Rigor iyon ay ang nagawa niyang pagtaksilan ang kanyang asawa. Magawa kayang patawarin ni Janine si Rigor para sa buo at masayang pamilya nila o tuluyan niyang kalimutan ito at baguhin ang sarili. Paano sa pagbabago niya ay muling may dumating na bagong lalaki sa buhay niya. Sino ang pipiliin niya ang lalaking minahal niya noon at winasak ang puso niya o ang lalaking muling nagparamdam ng pagmamahal sa kanya?. "Gusto ko nang makakausap, pero wala akong makausap." "Gusto kong umiyak, pero wala akong maiyakan." "Gusto kong umalis, pero wala akong mapupuntahan." "I need a comfort but nobody's care. I want to run to leave the problem. But the world was so cruel. My grief seems endless." -Janine Mhae Santos-
4.6K viewsOngoingAdded to Library 114 Times as half-hearted meaning
Read
+Library
Abandoned by the Cold-Hearted CEO, She Rose as a Medical Genius

Abandoned by the Cold-Hearted CEO, She Rose as a Medical Genius

Muntik nang mamatay si Sunshine sa operating table dahil sa matinding pagdurugo mula sa isang ectopic pregnancy, habang ang asawa niyang si Shawn Navarro naman ay todo-celebrate ng birthday ng kaniyang kabit—high-profile at walang pakialam. Apat na taon silang kasal. Sa loob ng panahong iyon, sobrang humble at mapagtiis si Sunshine, pero kahit anong gawin niya, hindi pa rin niya natunaw ang puso ni Shawn. Lubos siyang nadurog nang makita niyang buong lambing at proteksiyon na inaalagaan ni Shawn ang anak ng mismong kaaway niya. Doon na siya tuluyang sumuko—iniwan niya ito dala ang isang kasunduan ng pakikipaghiwalay. Pagbalik niya sa workforce, buong puso niyang ibinuhos ang sarili sa career. Sa loob ng maikling panahon, ginulat niya ang buong siyudad at naging isang highly sought-after figure sa hanay ng mga elite. Nang makita ni Shawn na napapalibutan na siya ng mga manliligaw, hindi na mapakali ang cold-faced CEO. Siya mismo ang pumutol sa mga suitors at isinandal siya sa pader. “Mrs. Navarro, I don’t agree with our annulment!”
1024.7K viewsOngoingAdded to Library 791 Times as half-hearted meaning
Read
+Library
Coldhearted Mafia and His Triplets

Coldhearted Mafia and His Triplets

Hindi kailanman inakala ni Sydney Mendez na mapipilitan siyang tumakas mula mismo sa pamilya niya habang buntis—walang pera, walang koneksyon, at may tatlong buhay na lumalago sa sinapupunan niya. Deceived and robbed of the inheritance that was rightfully hers, she must gather all her strength to survive and reclaim everything that was taken from her. Isang maysakit na anak, isang dating pag-ibig na muling nagbabalik, isang misteryosong estranghero, at isang pamilyang galit na galit sa kanya ang huhubog sa laban ni Sydney para sa hustisya at para sa kanyang sariling buhay. From pain and betrayal, her fight for strength and a new beginning will begin.
579 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as half-hearted meaning
Read
+Library
Coldhearted Billionaire Love Deal

Coldhearted Billionaire Love Deal

Si Barron Rockefeller na siguro ang boss na pinakamasungit at saksakan ng terror sa lahat. Lahat ng pagpapahirap at kasungitan ay naranasan na ni Andrea sa boss niya. Mabuti na lamang ay may mapagmahal siyang boyfriend na mahal na mahal siya. Kapag pagkatapos ng trabaho ay napapagaan nito ang loob niya. Not until he cheated on her. Pakiramdam niya ay wala ng magmamahal sa kanya na iba. Nagdesisyon siya na magbuntis at sumalang sa IVF. Pero hindi sinasadyang ibang sperm ang naiturok sa kanya. At ang nakakaloka pa, sperm iyon ng boss niyang si Barron.
409 viewsOngoingAdded to Library 11 Times as half-hearted meaning
Read
+Library
The Day I Left the Coldhearted Billionaire

The Day I Left the Coldhearted Billionaire

Pagkatapos ng nakaraan ni Diana Millena Montreal sa mundo ng pag-ibig, pinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya basta-basta mahuhulog sa mga lalaki. Na hindi-hindi na siya basta-basta bibigay alang-alang sa kapakanan niya at ang kinabukasan ng kanyang pamilya. Nadala na siya sa ginawa ni Scott Atticus Alveron— ang ka-isa-isang lalaki na kanyang iniibig. Sinaktan lang naman siya nito. Nalagay sa alanganin ang reputasyon ng pamilya nila dahil sa kagagawan nito. Kaya napagdesisyunan niya na talikuran ito, ibaun sa limot ang nararamdaman niya at lisanin ang mundong ginagalawan. Subalit sa kanyang pagtalikod, isang serkreto rin ang pili niya'ng pinuprotektahan at tinatakpan. Isang sekreto na dasal niya sa tanang buhay ay sana hindi siya mabuko ni Scott Alveron.
10596 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as half-hearted meaning
Read
+Library
SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE

SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE

Dahil sa malubhang sakit ng kanyang ama, walang nagawa si Renata Ferrer nang ipagbili siya ng sariling madrasta sa isang bilyonaryong walang puso, si Severino "Sev" Morelli. Kilala si Sev bilang isang malamig, walang awa, at walang interes sa pag-ibig. Para sa kanya, lahat ng bagay ay may presyo, at si Renata? Isa lang siyang bayad na ari-arian. Ngunit hindi niya inasahan na ang babaeng ito—na pinilit lang ipasok sa kanyang buhay—ay magtutulak sa kanya sa isang bagay na hindi mabibili ng pera.
664 viewsOngoingAdded to Library 21 Times as half-hearted meaning
Read
+Library
Married to the Brokenhearted Billionaire

Married to the Brokenhearted Billionaire

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Eliana “Yana” Ledesma. Biglang namatay ang ama, at lahat ng ari-arian nila misteryosong napunta sa kanyang malupit na madrasta. Pinalayas siya at ilang araw syang nagpalabuy-laboy sa kalsada. Isang gabi, muntik na siyang mapahamak… Mabuti na lang ay nailigtas siya ng isang estranghero. Si Adrian Villaverde. Siya ang kasalukuyang CEO ng Villaverde Group. Isang bilyonaryong laging nasa front page ng dyaryo. Hindi lang dahil sa galing niya sa negosyo kundi dahil sa misteryong bumabalot sa pagkawala ng dati niyang asawa na si Leira. Habang nakikituloy si Yana sa puder ni Adrian, nagulat siya nang bigla itong nag-abot ng kontrata na kailangan nilang magpakasal. Hindi kailangan magkaroon ng seremonya, sex, o kahit damdamin man lang. Sa papel lang talaga. Pero habang tumatagal ang pananatili niya sa mansyon, mas dumarami ang tanong kaysa sagot: Pinili ba sya ni Adrian pakasalan dahil kamukha niya ang ex-wife nito? Ano ba talaga ang dahilan ng biglaan na pagkawala ni Leira? At bakit sa bawat kilos ni Adrian, parang may pinipigilan itong sabihin? Kasabay ng paglalapit ng loob nila ni Adrian, isang bagay ang hindi maikaila ni Yana… Mas dumadami ang mga tanong kaysa sagot. Kailangan niyang maging mapagmatyag kung gusto niyang makasiguro na ang lalaking pakakasalan niya ay hindi isang halimaw na nagpapanggap lang.
547 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as half-hearted meaning
Read
+Library
Possession Of Coldhearted Trillionaire

Possession Of Coldhearted Trillionaire

"Luluhod ka sa harap ko, Nadine. At sisiguraduhin kong mararamdaman mo ang bawat hapdi ng impiyernong dinanas ko." Si Nadine Esperanza ay desperada. Ang Hacienda Esperanza ay pabagsak na, at ang tanging taong makakapagligtas sa kanila ay ang lalakeng pinagtabuyan at minaltrato ng kanyang ama sampung taon na ang nakalipas—si Eiji Beaumont. Ngunit ang dating batang hamak sa tubuhan ay isa nang mapanganib, makapangyarihan, at malamig na trillionaire. Hindi pera ang kailangan niya mula kay Nadine... kundi ang dignidad nito.
363 viewsOngoingAdded to Library 11 Times as half-hearted meaning
Read
+Library
PREV
123456
...
13
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status