BE MY WIFE
Mas lumalim ang gupit niya, mas gumuwapo siya.
Napansin niyang nakatitig ako, kaya bahagya siyang napangisi.
"Saan po tayo, Si—" agad akong napatakip ng bibig. Halos mapamura ako sa sarili ko. "I mean, saan tayo, Henri?"
Napailing siya, pero ngumiti. "May pupuntahan tayong bar, Dhalia."
Nang nagmamaneho na siya, hindi ko maiwasang tingnan ang paligid. Ang ganda ng Bali, ang preskong hangin, ang makukulay na ilaw mula sa malalayong tindahan.
Sikat na Kabanata