Marahuyo
Hindi niya mahulaan kung ano sunod na lalabas sa bibig nito sapagkat hindi nagtutugma ang ekspresyon ng mukha niya sa sasabihin niya.
Lumabas si Catalina ng bahay para magtungo sa kalsada at magpunta sa club na katapat lang ng tinutuluyan nila. Tatawid lang siya ng kabilang kalsada at hayon na, nasa trabaho na siya. Ala-dyes pa lang ng tanghali kaya tulog pa ang karamihan sa mga kasama nila, umaga na kasi kung mag sara ang night club kaya hapong-hapo ang lahat. Panigurado mamaya, sasabak na naman sila giyera.
" Good morning, Maam, " nakangiting bati sakaniya ng janitor na abala sa pagliligpit ng mga kalat sa bawat mesa.