RAW AND OLDER
Nag-walk out din siya pagkatapos.
“I hate you,” nakalabi niyang sabi kay Poppey.
“You don’t,” sabi ni Poppey. “Pero pogi talaga siya, eh. Siguradong mai-in love ka sa kanya. Ay! Kelegs!” Binangga ng balikat nito ang braso niya.
Napalabi si Mace. “Kinikilig ka sa Herodes na iyon?”
Tumikhim nang malakas si Iza at napatingin silang tatlo rito. “May napapansin na ako, ha? Ever heard the saying, ‘The more you hate, the more you love?’”
ตอนยอดนิยม