YOU'RE STILL THE ONE
Si ma'am Lourdes naman ay hindi ko na nakausap dahil kinabukasan bumalik na ang mag-asawa sa Maynila para asikasuhin ang projects nila doon.
"Uy_ malapit na ang Valentine's day mga girls, what's the plan? Swerte naman ang iba dito dahil may ka date, pero kaming mga singles feeling ko magvavalintong lang kami," sabay kaming natawa sa sinabi ni Mercy.
"Ewan ko sa boyfriend ko, bigla kaming lumabo recently lang…," si Gail.
"Bakit naman? Nakapagpost ka pa nga ng sweet photos niyo na dalawa nung kailan," sabi ni Cathy habang nakatayo itong nakapamewang na nakatingin sa amin.
Bab Populer