My Sexy Basurera
“Opo sir, yun din kasi ang akala ko.”
“Pa’no nangyari? Sandali, totoo ba ‘to?” sambit ko
“Ganito kasi ‘yan iho, habang namumulot kami ng basura bago ang trahedyang iyon, lumipat kami ng direction ngunit malapit pa rin yun sa dam site ng mga basura. Hindi man kami na tabunan ng lupa pero natamaan kami sa ulo ng batong nahulog mula sa itaas. Buti na lang at nakatakbo pa kami ni Berting bago nawalan ng malay. Nagising na lang kami na nando’n na sa ospital. Wala kaming ibang kaanak at lalong wala kaming cellphone para maipabalita kay Pening namin na buhay kami at nag-aalala ako sa kanya ng mga panahong yun. Dalawang linggo kaming ginamot sa ospital walang araw na hindi kami nag-aalala kay Pening