The Innocent Mistress
Sa pagkakataon na ito ay siya naman ang namula sa aming dalawa, kaya muli akong napangiti.
Nagsimula na rin kaming kumain matapos niyon, at ito na ata ang gabi na punong-puno kami ng kuwentong dalawa. Masaya akong makarinig ng ilang kwento mula sa buhay niya, kaya maging ako ay nagkukuwento rin kung anong mga nangyari sa buhay ko sa Singapore noong mga nakaraan. Hindi ko pa sinasabi ang mga regalong binili ko para sa kaniya dahil nasa kuwarto na ang mga iyon, siya na lamang ang kulang.
“Ang sarap— busog na ako! Grabe ang improvement ng luto mo, Caleb. Hindi nakauumay ‘yung buttered shrimp.” nakangiti niyang puri sa kinakain niyang shrimp.
Bab Populer