Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Ex-husband’s brother, My billionaire secret

My Ex-husband’s brother, My billionaire secret

Tatlong taon nang ipinaglaban ni Gianna Rosalie Montero ang pag-ibig na siya lang ang may hawak. Pero isang aksidenteng nagdulot ng pagkalaglag ng anak, isang malamig na asawang hindi man lang sumipot sa ospital, at isang video ng pagtataksil ang tuluyang gumiba sa kanya. Pag-uwi niya, dala ang isang maleta at basag na puso, nagpasya siyang tapusin na ang pagiging Mrs. Collins. Pinirmahan niya ang divorce agreement—ang dokumentong ibinigay pa sa kanya noong gabi ng kasal nila. Sigurado si Jaxton, babalik si Gianna bukas, gaya ng dati. Ngunit ngayong gabi, habang papalayo ang sasakyan… hindi na siya babalik. At magsisimula ang kwento ng isang babaeng iniwan, nasaktan, at muling babangon—hindi para sa iba, kundi para sa sarili niya.
Romance
344 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

Sa loob ng limang taon, buong pusong ipinaglaban ni Caelith Skyhart ang pagmamahal niya kay Lucienn Ashford. Siya ang lalaking itinayo niya mula sa pagkakadapa, minahal sa kabila ng lahat, at pinakasalan sa harap ng buong lungsod. Ngunit isang umagang tahimik, isang mensahe ang gumising sa katotohanang hindi niya kailanman inasahan—buntis ang kapatid niyang si Celene, at ang ama ay si Lucienn. Sa gitna ng pagkawasak, pagtataksil at sakit, kailangan ni Caelith na tumindig. Hindi para ipaglaban ang pagmamahal kundi para bawiin ang sarili at ang lahat ng itinayo nilang dalawa. Ito ay kwento ng isang babaeng minsang naging liwanag sa dilim ngunit ngayo’y naging apoy na handang lamunin ang lahat ng sumira sa kanya. Hanggang saan ka magmamahal kung ang taong pinili mo ay pinili ang iba?
Romance
10522 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
Romance
9.936.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND

ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND

“I need you. Babayaran kita, just name your price, after.” Umiling si Carol, “N–No, don’t– huwag kang lalapit.” mariin na tugon ni Carol, habang unti-unti siyang nakakaramdam ng pagkahilo at pinipilit na lumalayo siya sa estrangherong lalaki. “Wala pang babaeng tumanggi sa akin ng ganito. Sorry, Miss, but I won’t let you go that fast– not now that I need you, bago pa ako magkalat ng eskandalo sa labas.” — Carol is secretly married with someone na hindi niya pa kahit kailan nakikita. Dalawang taon na silang kasal, pero sa picture lang, tapos bata pa roon ang asawa niya sa picture. Nang araw na kikitain na niya ang kaniyang asawa sa condo unit nito ay aksidente siyang napagkamalang bayarang babae ng isang lalaki, at ipinasok siya sa isang unit na may tila isang lasing at naka-drogang lalaki. After that night, tumakas siya at takot na takot na mahanap pang muli ng lalaki. Not knowing that is her husband! Laking gulat niya ng pag-uwi niya sa bahay ay annulment papers ang naghihintay sa kaniya. She thought she would be free now, ngunit ang hindi niya alam ay nakatakas man siya sa kaniyang asawa, pero nabaliw naman ito sa kaniya dahil sa gabing may nangyari sa kanila at pilit na ipapahanap siya sa mga tauhan nito! Kapwa nila hindi alam na mag-asawa pala sila!
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Taming the Casanova Billionaire

Taming the Casanova Billionaire

WARNING ⚠️ ⚠️ Rated SPG Si Alexandra Villamor ay isang simpleng empleyado sa isang marangyang cruise ship, ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay nagulo nang makilala niya si Julian Evans, isang makisig at mayamang bilyonaryo na kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig. Hindi inaasahan ni Alex na ang isang kasunduan sa pagitan nila ay magdadala sa kanya sa isang mundo ng intriga, pagsubok, at lihim. Habang pilit niyang pinangangalagaan ang kanyang dignidad, unti-unti namang nagiging mas kumplikado ang relasyon nila ni Julian. Sa pagitan ng mga pagkukunwari at tunay na damdamin, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang kwento ng pagmamahal at laban para sa katotohanan. Ngunit sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan, may mga lihim na naghihintay na mabunyag at mga lihim na maaaring tuluyang magbago sa kanilang mga buhay.
Romance
1011.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Mafia's Hidden Wife

The Mafia's Hidden Wife

MissD
Para tantanan ni Robert sa panggigipit at pamimilit si Alexa na pakasalan ito ay pinakiusapan ng dalaga na pakasalan siya ni Travis; ang lalaking natagpuan niya na walang malay at duguan sa gilid ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. At bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa kanya ay pumayag si Travis sa pakiusap ni Alexa. Lihim na natuwa ang dalaga pagkat may lihim itong pagtatangi sa lalaking iniligtas niya kahit na ilang Linggo pa lamang silang magkakilala. Ngunit pagkatapos ng kanilang kasal ay sinundo ito ng mga kamag-anak ngunit nangako ito na babalikan siya para kunin. Isang Linggo ang lumipas ay sinundo siya ng tauhan ni Travis at isinama sa hotel kung saan ito nakatira. Ngunit sa halip na mahigpit na yakap ay isang contract marriage agreement ang isinalubong nito sa kanya. Napansin niya na ibang-iba na ito sa Travis na nakasama niya sa probinsiya. Seryoso at arogante ito na malayong-malayo sa mabait at mapagmahal na Travis na kilala at pinakasalan niya. At higit sa lahat ay natuklasan niya na isa pala itong miyembro ng mafia at tumatakbo bilang pinuno ng mafia organization. Paano haharapin ni Alexa ang tila naging estrangherong asawa lalo pa at itinatago nito sa lahat na siya ay asawa nito? Makakaya ba niyang makita na may kasama itong ibang babae o ipaglalaban niya ang karapatan niya bilang nag-iisa at legal nitong asawa kahit pa may contract agreement silang pinirmahan?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Boss and His Secretary

The Boss and His Secretary

Lumaking hirap sa buhay ang 24 years old na si Trisha Julianna Brenzuela mula nang iwan sila ng kaniyang ina matapos mamatay ang kaniyang ama. Hindi natapos ang kaniyang pagdurusa matapos naman siyang hiwalayan at ipagpalit ng fiancé niya sa kaniyang kaibigan. Sa kadahilanan ng dagok ng buhay nang mawalan siya ng trabaho at magkasakit ang kaniyang kapatid. Ginawa niya ang lahat kahit na maging isang bayaran sa loob ng isang gabi upang makalikom lamang ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kapatid niyang may autism. Sa hindi inaasahan, ang childhood enemy niyang si William na kasalukuyang CEO ng Aveedra Electronics Company, ang lalaking naka-one night stand niya at magiging boss rin niya sa trabaho. Ang siyang magiging contract husband niya nang palihim sa loob nang ilang buwan. Ngunit, nang nahulog na ang loob nila sa isa't isa, eksakto namang dumating ang fiancée nito na itinalaga ng pamilya Cervantes at Smith para sa nakaplanong arrange marriage ng dalawa ilang taon na ang nakalilipas. Paano pa maipaglalaban ng dalawa ang kanilang lihim na relasyon mula sa mga magulang ng dalawang kilalang makapangyarihang pamilya? Matapos mabigo ng mga masasamang tauhan ng pamilya Smith mula sa pagtatangka. Magbabalik si Trisha para ipakilala ang kaniyang sarili sa bagong katauhan bilang isang tunay na anak ng kilala at mayamang pamilya Del Fuego.
Romance
106.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN

ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN

Isang salitang “diborsyo” ang wawasak sa pitong taong kasal ni Mariel Benning. Sa loob ng isang iglap, ang asawang si Billie Walter—ang lalaking minsang nangakong “habambuhay”—ay humiling ng kalayaan para pakasalan ang ibang babae: si Vicky Singson, ang babaeng sinasabing may anim na buwang taning ang buhay. Habang pinupuri ng mundo si Vicky, unti-unting naglalaho si Mariel sa mga anino ng kasinungalingan. Ngunit sa ilalim ng kanyang katahimikan, may lihim siyang tangan—isang lihim na mag payanig sa lahat. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti—isang kwento ng babaeng iniwan, ngunit hindi natalo. Dahil kapag ang puso’y minsang sinugatan, matututunan nitong tumibok muli—hindi para sa iba, kundi para sa sarili. “Hindi ko kailangan maging perpekto para manatili ka. Pero sa pag-alis mo, doon ko natagpuan kung sino talaga ako.”
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Marrying My Ex-Husband's Best Friend

Marrying My Ex-Husband's Best Friend

Walang maramdaming kahit na katiting si Lucilia mula sa asawa. At kinamumuhian siya ng anak niyang lalaki dahil gusto nito ng ibang nanay. Hanngang sa mapagod at mapuno na si Lucilia ay nakipaghiwalay siya sa asawa. Iniwan niya ito. Umalis siya kasama ang anak na babae. Nagpatulong siya para ma divorce sa asawa sa pinakasikat at high paid na lawyer na si Donovan, na best friend ng asawa niyang si Nolan. Matagal ng gusto ni Donovan si Lucilia pero naunahan siya ni Nolan. Pero ngayon ay hindi niya na palalampasin ang pagkakataon na mapasakanya si Lucilia. Kaya gumawa siya ng kasunduan na tutulungan niya si Lucilia na ma divorce sa asawa kung papayag itong magpakasal sa kanya pagkatapos. Papayag ba si Lucilia? Makukuha ba ni Donovan si Lucilia? Abangan ang kwento nina Donovan at Lucilia...
Romance
8.79.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ghost Of You

Ghost Of You

Umuwi si Aria sa Pilipinas matapos ng ilang taong pamamalagi sa United States. Hindi naman siya nahirapan dahil dito rin nakatira sa Pilipinas ang kanyang matalik na kaibigan. Naging maayos at payapa ang buhay niya rito. Hanggang sa makilala niya ang binatang si Jackson Kang na isang sikat na aktor, labis ang paghanga ng matalik na kaibigan ni Aria dito, at biglang napasok ang dalaga sa magulong buhay na ginagalawan ng binata. Naging maayos ang turingan at samahan ng dalawa, ngunit kagaya ng ibang kwento lahat ay may hangganan. Dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng panahon. Mga pusong nabalot ng sakit at galit. Sakit ng nakaraan ay magbabalik. Magkakaroon pa kaya ng puwang sa puso ni Jackson ang dalagang una niyang minahal? Magkakaroon pa kaya ng pag-asa ang naudlot na pagmamahalan? Magiging happy ending ba para sa kanila o magiging huli na ang lahat?
YA/TEEN
102.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
7891011
...
17
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status