Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Insane Agreement

Insane Agreement

Celia GN
Architect Miles Muñoz, isang matapang, palaban at kabigha-bighaning probinsyana. Nasa kan'ya na ang lahat pero lingid sa kaalaman ng iba ay ginapangan na siya ng pagkabahala sapagkat sa edad na dalawampu't siyam ay ni minsan hindi pa niya naranasan na magkanobyo. Nais na niyang magkaanak at bumuo ng sariling pamilya ngunit paano nga ba niya iyon maisakatuparan gayong kahit ni isang manliligaw nga lang ay ni wala siya? Engineer Jeffry Shaun Villafuente, isang matagumpay at mayaman na business tycoon. Isang happy-go-lucky guy at certified playboy. "What? You are looking for a baby maker?!" tila nawala ang pagkalasing ni Jeff sa narinig. Kasalukuyan silang nag-uusap sa bar habang umiinom ng alak. "Are you that desperate? You will be looking for an anonymous man para lang maging baby maker mo?" Umiling-iling ito at diretsang nilagok ang laman ng hawak nitong baso. "Ano naman ngayon? Uso na ngayon 'yan sa mga nais magkaanak lang." "You have a point." Tumango-tango ito ngunit sandaling natigilan. Nilingon sya nito at muling nagsalita. "Why don't you just ask for my cells then? By that, you don't have to look far." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. Siya naman ang nagulat. Sandaling tinitigan niya ang mukha ni Jeffry at napaisip sa suhestiyon nito. Sinubukan niyang basahin at sukatin kung gaano ito kaseryoso sa sinabi. Hanggang sa huli ay nagkibit-balikat na lamang siya. "Sa bagay pinamimigay mo lang naman kahit kanino iyang sperm cells mo. Fine. Just give me a baby, no more no less. How's that?" Isang desisyon ang kanyang pinakawalan, pasyang kahit siya ay lihim na nangamba. Tila napatda pa ito sa agaran na pagsang-ayon niya bagama't kalakip naman nito ay ang nabanaag niyang pagkislap ng mga mata ng lalaki. "Well, that's great! Then your wish is my command!" he said with a teasing smile.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Revenge

The CEO's Revenge

Si Xaiqa Qealil Dhal'Pzion na mas kilala sa tawag na Xai ay nakaranas ng labis na kalupitan sa kamay mismo ng sarili niyang ama, hindi pag mamalupit sa mismong katawan niya ngunit sa mga taong mahal at labis na malapit sa kaniya, sa edad na siyam ay iniwan sila ng kaniyang pulis na ama, at walang hiya nitong ipinahiya ang kaniyang ina, sa murang edad ay walang nagawa ang kawawang bata, lalo na't sila ay nagmula lamang sa mahirap na pamilya. Ngunit simula ng iwanan sila ng kaniyang ama, si Xaiqa at ang nakababata niyang kapatid na si Ziekye ay binuhay ng kanilang ina, halos araw araw at madalas gabi na kung maka uwe ang kanilang ina dahil sa labis na pagtatrabho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan, mas naging maayos din ang buhay nila, simula noong hindi na nila nakakasama ang kanilang ama, wala ng nananakit sa kanilang ina. Ngunit sa edad niyang dose ay muling nag pakita ang masamang mukha ng kanilang ama, at sa gabing iyon, tuluyang nawasak ang puso ni Xaiqa, dahil pinahirapan ng labis ang kanilang ina habang nasa harap nila, walang awang pinag hahampas ng latigo, at sa huli ay kinitil ng sarili nilang ama ang buhay nito, sa oras din nayon ay ibenenta ang kaniyang kapatid sa malaking sindikato, walang nagawa si Xaiqa kundi ang umiyak, mag luksa at sumigaw, hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. 13 years ang nakalipas, ang batang dumaan sa labis na hirap at sakit ay muling magbabalik para sa hustisya, nais niyang tuparin ang sumpang binitawan sa labi ng kaniyang ina, at ang pangako na hahanapin ang kaniyang kapatid, si Xaiqa ngayun na anak na ng mga asawang bilyonaryo sa ibat ibang bansa at isa ng ganap na CEO. makakamit niya kaya ang hustisya? para sa mahal.
Romance
165 viewsOngoing
Read
Add to library
My One and Only Love

My One and Only Love

Alexander Romano. Istrikto, dominante, at walang puso. Sa kabila ng ilan sa mga negative na ugali nito, marami padin ang nahuhumaling sa lalaki. Bakit ba naman hindi, bukod sa pagiging panganay na anak at taga pag mana ng Romano Corp. (isa sa pinaka malaki at kilalang kumpanya sa bansa), si Alexander ay marami na ding napatunayan sa sarili niya. Graduate ng Magna Cum Laude sa kursong BS Management Engineering at nakakuha ng maraming awards sa iba't ibang sports ng University na pinasukan, tulad ng swimming, lawn tennis at marami pang iba. May tangkad na 5'11, makakapal na kilay, mga matang kulay kape na tagos hanggang kaluluwa kung tumingin, ilong na makipot at matangos, at mga labing maninipis na ni minsan ata ay hindi dinapuan ng ngiti ngunit lalong bumagay sa pangahan nitong muka na nagbibigay ng 'mysterious' effect sa pagkatao nito. Maraming kababaihan ang nahuhumaling dito at inggit naman sa kalalakihan. Mga bagay na hindi alintana ng binata ngunit wala naman siyang pakielam sa mga opinyon at nararamdaman nito. Namumukod tanging si Jessica Pantaleon lang ang nakakakausap ng maayos dito bukod sa pamilya niya. Si Jessica ang kababata at bestfriend na din ni Alexander. Alam nito lahat ng pinagdaanan ng binata sa unang babaeng minahal na si Mara, kaya siya lang din ang nakakaintindi sa binata. Boyish pero maganda at sexy si Jessica. Natural na straight at itim ang kanyang buhok na hanggang bewang. Bagay sa balingkinitan na katawan, morenang kutis at 5'6 na height niya. NBSB siya at hindi din nagpakita ng interes sa mga nagtangkang manligaw dito. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagising nalang si Jessica sa tabi ni Alexander. Pareho silang walang suot na damit. Paano nalang ang mangyayari sa kanila lalo na ngayong bumalik na si Mara sa buhay ni Alexander?
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status