Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Mr. Pogi is my Boss Daddy!

Mr. Pogi is my Boss Daddy!

Para sa single mom na si Aella Vergara, simple lang ang batas para makatira sa murang paupahan ng bilyonaryong si Zion Monteverde at ito ay huwag gagawa ng ingay. Ngunit ang kaniyang tatlong taong gulang na anak na si Luna Elise ay may ibang plano. Ginawa ni Luna na personal playground ang mansiyon ni Zion. Mula sa pag-ubos ng mga imported nitong cookies hanggang sa paglilista nito sa masungit na landlord bilang kaniyang daddy sa school activities ay unti-unting napalapit ang loob ng striktong bilyonaryo sa mag-ina. Akala ni Aella, isang gasgas na rom-com ang buhay niya kung saan lumalambot ang puso ng isang supladong lalaki dahil sa kakyutan ng isang bata. Ngunit nagkamali siya. Isang gabi, narinig ni Aella si Luna na may seryosong kausap sa laruan nitong walkie-talkie: “Boss Daddy, niyakap ka na ni Mommy sa harap ko kanina. Sabi mo may dagdag na dalawang laruan ako bukas, ah? Deal is a deal!” Ang katotohanan? Hindi aksidente ang pagiging malapit ni Zion sa kanila. Si Zion mismo ang kumuha kay Luna bilang isang lihim at sinusuhulang "baby wingman." Dahil si Aella ang babaeng matagal nang hinahanap ng bilyonaryo matapos nitong iligtas ito taon na ang nakararaan. Upang mapalapit nang hindi nagmumuhang stalker, sinuhulan ni Zion si Luna gamit ang unlimited toys at ice cream para i-manipula ang sarili nitong ina. Pero ang malaking katanungan ay kung sino ngayon ang tunay na Boss? Ang landlord na nagpanggap na naperwisyo, o ang tatlong taong gulang na bata na mas magaling pa sa CEO kung magpatakbo ng negosyo ng pag-ibig?
103.7K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 130 kali sebagai laika space dog
Baca
+Pustaka
My Daddy is the Prime Minister

My Daddy is the Prime Minister

"We're look alike Mr. so i think you're my father." -Spade Cedric Camnice Anong gagawin ni Samantha kung mismong anak na niya ang naghahanap sa tunay nitong ama. Mapigilan kaya niya ang kagustuhan nitong makilala at tanungin nito ang dahilan bakit sila iniwan? Paano ipapaliwanag ni Samantha sa kaniyang anak na nabuo lang ito dahil sa isang gabing wala siyang maalala dahil sa kalasingan. Ngunit, paano kung ang hinahanap na ama ng kaniyang anak ay isa palang Prime Minister mula pa sa Romania? May pag-asa kayang mabuo ang isang pamilyang nagsimula lang sa isang one night stand?
1012.4K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 395 kali sebagai laika space dog
Baca
+Pustaka
Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

Nang dahil sa isang kasunduan, nagawang sumang-ayon ng dalagang si Marlita sa isang planong inaalok ng kaniyang nakababatang kaibigan. Kapalit ng perang pampagamot sa kaniyang lolang may kidney failure, kailangang paibigin at akitin ni Marlita ang masungit na bilyonaryong si Grayson Ryker. Ang unang hakbang sa kanilang plano ay liligawan niya at aakitin si Grayson. Kapag napa-ibig na niya ito, saka niya ito iiwan—kagaya ng napag-usapang plano. Subalit, ang pagsang-ayon ni Marlita sa planong panliligaw kay Grayson ay may kapalit—isang gabing iaalay niya ang kaniyang sarili upang sumang-ayon si Grayson sa nais niyang panliligaw. Makakaya kaya ni Marlita na tanggapin ang alok na ito para maisakatuparan ang kaniyang balak? O baka sa gagawing hakbang ng dalaga, dadalhin niya ang magiging bunga ng kanilang pagtatalik? Makabubuo kaya ng pag-ibig sa likod ng masamang balak ni Marlita? O baka huli na upang ito ay mapagtanto—dahil ang lalaking nililigawan niya pala ay may asawa na?
10659 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 16 kali sebagai laika space dog
Baca
+Pustaka
I have your son, Mister Billionaire

I have your son, Mister Billionaire

BLURB: Suraidah Agos and Crane Laviste were classmates before. Noong gabi pagkatapos ng acquaintance party ng kanilang paaralan ay nagkaroon sila ng hindi inaasahang encounter na nauwi sa pagdadalang-tao ni Suraidah. Lasing si Crane noong gabing iyon kaya ay hindi niya alam na si Suraidah ang babaeng kaniig niya. Itinago naman ni Suraidah ang katotohanan na iyon at hanggang ngayon ay pilit niya itong inililihim. Subalit muling nagkaroon ng koneksyon ang dalawa nang magkita sina Crane at Caelan, anak nila ni Suraidah. Malalaman kaya ni Crane na anak niya si Caelan? O paninindigan ni Suraidah ang layuning ilayo ang anak sa Daddy nitong Billionaire?
124 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 4 kali sebagai laika space dog
Baca
+Pustaka
Nadisgrasya Ko Si Gracia!

Nadisgrasya Ko Si Gracia!

Nadisgrasya ng dating amo! Dalawang taong nanilbihan ang dalagang si Gracia Clavero sa pamilya Orezo, ngunit dahil sa hindi inaasahang gabi nila ng binatang bilyonaryong si Rommel Orezo ay iniwan niya ang kaniyang trabaho upang hindi na ito makita pa. At hindi inaasahan ni Gracia na magbubunga ang pagkakadisgrasya sa kaniya ng dating amo. Tuluyan na niyang nilimot ang gabing 'yon ngunit matapos lamang ng anim na taon ay muli, nagtagpo sina Gracia at Rommel sa hindi magandang paraan, dahilan kaya't nadisgrasya ang binata at nawalan ng memorya. Tanging si Gracia ang kaniyang nais dahil sa pag-aakalang... asawa niya 'to. Ano nga ba ang magagawa ni Gracia sa dati niyang among nakadisgrasya sa kaniya?
10229 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 6 kali sebagai laika space dog
Baca
+Pustaka
THE BILLIONAIRE'S PREGNANT VIRGIN MAID (SPG)

THE BILLIONAIRE'S PREGNANT VIRGIN MAID (SPG)

She's pregnant... but still a virgin. Wala nang mas sasakit pa kay Sariyah Borromeo nang malaman niyang kailangan ng agarang operasyon ang ina niya dahil sa sakit nito sa puso. Dahil sa desperasyong mailigtas ito, naghanap siya ng trabaho—hanggang sa makuha siya bilang kasambahay ng isang bilyonaryong lalaki, si Thorne Calyx Vermont. Ngunit nang makaharap na niya ito, laking gulat na lang niya nang mapagtanto na ito rin ang lalaking nakagirian niya sa kalsada. But when Thorne learned about her situation, he asked a question that changed everything. “Would you be willing to undergo IVF and carry my child?” Tatanggapin ba ni Sariyah ang alok kapalit ng isang bilyong piso? Hanggang saan siya lalaban kung ang kaligtasan ng ina niya ang nakataya? “You just have to accept my offer or reject it. I’m easy to deal with, Sariyah. Accept or reject—that’s it.”
19 DibacaOngoing
Baca
+Pustaka
Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?

Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?

Sa araw na dapat sana'y pinakamasaya para kay Professor, Maya Trinidad, doon mismo winasak ang puso niya. Sa harap ng buong bansa, nasaksihan niya ang pagtataksil ng nobyo niyang si Kenji Sandoval, isang sikat na race car driver, ang ka-trabaho matapos manalo sa Grand Apex International Cup. Habang pilit niyang tinatakasan ang kahihiyan, aksidente siyang napadpad sa pribadong locker room ng malamig at aroganteng si Nikolai Sandoval—ang nakatatandang kapatid ni Kenji at kilalang "King of the Track." Sa unang pagkikita pa lang nila, nagbanggaan na ang kanilang mga personalidad. Akala ni Nikolai isa lamang siyang babaeng habol ang pera, habang para kay Maya, isa itong mayabang at walang pusong bilyonaryo. Ngunit isang hindi inaasahang pagkakataon ang magdudugtong sa kanilang dalawa. Ang munting si Tala Sandoval, ang makulit ngunit malungkot na anak ni Nikolai, na agad nagdesisyong si Maya ang gusto niyang maging bagong mommy. Mula sa isang simpleng pagkikita, nauwi ito sa isang nakakagulat na marriage proposal. Ngunit paano tatanggapin ni Maya ang alok ng lalaking naniniwalang lahat ay kayang bilhin ng pera? At paano kung ang pekeng relasyon na nagsimula dahil sa isang bata ay unti-unting maging totoo? Sa mundo ng karera, kayamanan, at mga lihim ng pamilya Sandoval, kaya bang lampasan nina Maya at Nikolai ang kanilang mga sugat sa nakaraan upang matagpuan ang totoong finish line ng pag-ibig?
10283 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 11 kali sebagai laika space dog
Baca
+Pustaka
After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai

After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai

Sa araw ng libing ng kanyang ina, natabunan ng katahimikan ang mundo ni Amara Alvarez. Samantalang sa kabilang panig ng lungsod, ang lalaking tinawag niyang asawa ay nagdiriwang, isang marangyang birthday party, inihahandog hindi para sa kanya, kundi para sa unang babaeng minahal nito. Doon niya tuluyang naunawaan ang lahat. Hindi siya kailanman minahal. At ang isang relasyong walang pag-ibig ay wala ring saysay ipaglaban. Tahimik niyang iniwan ang mga papeles ng diborsyo. Tahimik niyang isinara ang buhay na ipinagkatiwala rito. At sa katahimikang iyon, ipinaalam din niya ang batang dinadala kasabay ng pagtalikod niya sa lahat ng dati niyang pinanghawakan. Lumisan si Amara mag-isa. Pagkaraan ng limang taon, sa isang marangyang auction, muling napatigil ang mundo. Ang punong auctioneer—nakasuot ng makintab na bestida at may puting belo sa mukha ay naging sentro ng atensyon. Kumipot ang mga mata ni Nardo Morales. May kung anong pamilyar sa tinig, sa tindig, at presensiya nito. “Ang pangalan niya… Amara?” “Opo,” sagot ng kanyang assistant. “May nag-alok ng milyon-milyon para makita ang kanyang mukha, pero tumanggi siya.” Sa sandaling iyon, parang may bumagsak na pader sa kanyang dibdib. Ang babaeng limang taon niyang hinanap at pinakawalan ay nasa harap na niya. Kinagabihan, sa isang madilim na interseksyon, hinarang niya ang dinaanan nito. “Auctioneer Mara,” malamig niyang wika, “hanggang kailan ka tatakas?” Huminto siya. Hindi man lang lumingon. “Mr. Morales,” matatag niyang sagot, “diborsyado na tayo.” “Hindi ako pumayag.” Bumigat ang tinig niya. “Nasaan ang anak ko?” Dahan-dahan siyang humarap. “Mr. Morales, tila kayo ang nakalimot. Limang taon na ang nakalipas mula nang nagpapalaglag ako.” Nanigas ang kanyang mukha. “Kung ganoon,” mariing sabi niya, “ano ito?” Sa harap ni Amara, tatlong batang limang taong gulang ang sabay-sabay na humakbang pasulong, nakahanay, magkakahawig ang mga mata, at malinaw na malinaw ang sagot sa tanong niya.
10580 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 12 kali sebagai laika space dog
Baca
+Pustaka
Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!

Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!

Na-coma sa loob ng halos anim na taon si Althea, at sa loob ng mga panahong iyon ay wala siyang kaalam-alam na nagbunga pala ang nangyari sa kanila ng fiancé niyang si Xavius Montevalle. Habang walang malay, isinilang niya sa pamamagitan ng C-section ang kambal nilang anak, ngunit kinuha sila ng half-sister niyang si Maureen at dinala sa ama ng mga ito. Siniraan siya ni Maureen at pinalabas na inabandona niya ang mga bata upang sumama sa ibang lalaki, dahilan upang kamuhian siya ni Xavius at ng buong pamilyang Montevalle. Nang magising si Althea, napagtanto niyang sapat na ang mga taong naging api-apihan siya sa sariling tahanan sa kamay ng kanyang madrasta at half-sister. Ngunit higit sa lahat, nalaman niyang mayroon pala siyang kambal na anak. Nagdesisyon siya na lumaban na at kunin ang kustodiya ng mga bata, ngunit hindi iyon magiging madali dahil makabangga niya si Xavius, ang ex-fiancé niya. Maniniwala si Xavius na ginagamit lamang ni Althea ang kanilang mga anak upang mapalapit sa kanya, ngunit habang tumatagal ay makikita niyang tapat ang pagmamahal nito bilang isang ina. Mare-realize niya ang kamalian niya sa paghatol kay Althea at mahuhulog dito. Nang magdesisyon siyang i-pursue si Althea ay nagpahayag ito na wala itong interes sa kanya dahil ang mga bata lang ang mahalaga sa kanya. Sa kabila niyon ay hindi susuko si Xavius para makuha ang pag-ibig ni Althea, magpapatulong siya sa kanilang mga anak at susuportahan naman siya ng mga ito, habang chini-cheer pa, "Daddy, mommy doesn't want you. You have to work hard!
13 DibacaOngoing
Baca
+Pustaka
Hiding My Student's Son

Hiding My Student's Son

Tila dream come true para sa isang single mom na si Ria Salazar ang makapagturo sa kilalang unibersidad sa bansa, ang Maxford University. Bukod sa nabigyan siya ng matinding breakthrough ay malaking tulong din iyon upang maibigay niya ang pangangailangan ng tatlong taong gulang niyang anak na si Kian. Pero unang araw niya pa lang ay agad na nagulo ang buhay niya nang pumasok sa klase niya ang 22-anyos na estudyanteng si Keith Jasper Sawada. Hindi siya makapaniwala dahil ang lalaking ito ay ang nakabuntis sa kanya apat na taon ang nakalilipas! At that point, Ria felt nothing but anger and distress after the abandonment he'd done before, so she kept the truth about their son. Pero gaano katagal maitatago ni Ria ang totoo kay Keith gayong tila hindi umaayon ang tadhana sa gusto niyang mangyari? "That boy, why on earth does he look like me?" -Keith
101.5K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 47 kali sebagai laika space dog
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
123456
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status