Magda
Kaya naman nang magyaya ito kaninang umaga upang magsimba, ay laking gulat niya.
Maagap silang nakarating kaya naman madami pang bakanteng upuan, sa harap sila pumwesto. Habang lumalapit ng lumalapit ang oras ng nakatakdang misa ay dumadami din ang mga taong pumapasok sa simbahan. Ang bawat pumapasok ay napapatingin kay Maximillian, ang upuan na inaakupahan nila’y hindi na naisip ng mga nagsisimba na upuan din nila. Naisip ng mga ito nag porma, bihis, at ayos nina Maximillian – ilag sila sa mga taga-Kanan, kaya naman ganoon na lamang din ang pagtataka nila kung bakit naroroon ang mga ito at nakikihalubilo sa kanila gayong hindi naman pista at walang mahalagang okasyon.
Hot Chapters