Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

**MATURE CONTENT** Territorial Mafia Series 1: DEMETRI SYLVESTRE Si Demetri Sylvestre ay isang makapangyarihan at walang-awang Mafia Boss. Sanay siyang palaging nakakakuha ng gusto niya. Ngunit nagbago ang takbo ng kanyang mundo nang makilala niya si Snow Hidalgo, isang maganda at mabait na aktres na nakatakdang ikasal sa half-brother niyang si Marcus. Lingid sa kaalaman ng dalawa, may mas madilim pala silang koneksyon sa nakaraan. Isang lihim na matagal nang ibinaon sa limot at siyang ugat ng trauma ni Snow. Nang matuklasan ni Demetri na si Snow ay kasintahan ni Marcus, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at talino sa manipulasyon upang sirain ang relasyon ng dalawa. Sa gitna ng sakit at kalituhan, nauwi sa kasalan si Snow at Demetri. Naging mag-asawa nga sila, ngunit nananatiling hindi niya hawak ang puso ni Snow dahil ito’y naiwan pa rin sa nakaraan. Habang lumalalim ang kasinungalingan, galit, at pagnanasa, mas tumitindi ang labanan hindi lang para sa pag-ibig ni Snow kundi para sa kontrol sa kanyang buhay. Hanggang sa isang panahong puno ng pagkawala at muling pagbabalik, kinailangan niyang pumili; hindi lang sa pagitan ng dalawang lalaki, kundi sa kapayapaan ng kanyang puso. Tatlong taon ang lumipas. Muling bumangon si Snow. Umangat ang kanyang karera, at sa wakas, natuklasan niya kung sino talaga ang tunay na mahal niya. At gaya ng isang dasal na sinagot ng tadhana, bumalik ang lalaking pinili ng kanyang puso… pero hindi siya nag-iisa. Sa muling pagkikita, kinailangan ni Snow harapin ang nakaraan at ang kasalukuyan. Sa huli, pinili niya ang pagmamahal, hindi bilang isang tanikala, kundi bilang isang desisyong malaya at totoo.
Romance
1025.0K viewsOngoing
Read
Add to library
REVENGE OF AN ANGEL

REVENGE OF AN ANGEL

Si Angelyca Eunice Monteverde ay isang old fashion lady, may makapal na salamin sa mga mata at palaging nakapusod ang mahabang buhok. Solong anak siya at lumaking halos ang yaya lamang nito ang kasa-kasama sa bahay dahil palaging abala ang mga magulang sa kanilang negosyo. Nakilala si Harry Clyde Romualdez. Anak ng business partner ng kaniyang mga magulang. Noong una ay puno lamang ng pagtataka ang kaniyang nasa isip dahil may mga tanong ang mga magulang nila tungkol sa kani-kanilang estado pagdating Habang tumatagal ay naging magkaibigan sina Clyde at Angel. Nakilala ng dalaga ang lalaki na noon ay mayroon pa lang nobya—si Kyla. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nakipaghiwalay si Clyde rito. Nang ganap na maging malaya ay kaagad na pinormahan at niligawan nito si Angel na noon ay may lihim nang pagkakagusto rito. Ayaw pa nga nito aminin nung una pero dahil sa napansin ng kaniyang bestfriend na si Trisha ang bawat reaksyon ni Angel, na sa tuwing magkikita at magkakausap ang dalawa ay napagtanto nilang nahuhulog na nga ito rito. Naging sila pero maraming hadlang. Isa roon ang katotohanang dati pa lang magkasintahan sina Clyde at Trisha na piniling ilihim na lang ito kay Angel. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Si Loisha ay hindi sinasadyang narinig ang pinag-uusapan ng dalawa kaya nakahanap ito ng ibubutas para magkahiwalay sina Angel at Clyde. Nagtagumpay ito dahil labis na nasaktan ang dalaga lalo na nang malaman nitong naghalikan sina Clyde at Loisha noong araw na makipaghiwalay ito rito. Mapapatawaba ito ni Angel? Ano ang mangyayari sa kanilang dalawa gayong puno ng galit ang puso ng dalaga para sa Clyde?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
His Sudden Bride

His Sudden Bride

binibiningbiyang
Amora Rebecca Andrada is the drop-dead-gorgeous woman in the small town of Santa Monica. She's a well-known beautiful and knowledgeable woman. Maraming humahanga sa kaniya. She has been labeled as a goddess. Ngunit sa kabila ng magaganda niyang katangian, hindi kailanman iyon nakita ng kaniyang mga magulang. Her parents were disappointed for her indifferent decisions in life. She's nothing compared to her almost-perfect sister, Natasha. Matalino, maganda at paboritong anak si Natasha. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit mas pabor ang kaniyang mga magulang sa kaniyang kapatid kaysa kanya. Lalo na nang maging doctor din ito samantalang siya ay kumuha ng ibang kurso sa kolehiyo. She's tired for all the comparison and disappointments. Nang makapagtapos at makapagtrabaho, pinili niyang bumuklod agad ng tirahan. Mas gusto niya iyong malaya siya sa lahat ng mga panghuhusga ng kaniyang pamilya. Hanggang sa magdesisyon ang kanilang mga magulang na ipakasal si Natasha sa isang Gazalin. Kilala ang pamilyang Gazalin sa buong San Gabriel. Ang pinakamayaman sa kanilang rehiyon. Dahil sa pagiging sunud-sunuran ng kaniyang kapatid, pumayag ito sa kasunduan. Nakaayos na ang lahat at umaayon na sa plano ang bawat pangyayari nang biglang sa araw mismo ng kasal ni Natasha nagmakaawa ito sa kaniya. Natasha is conceiving a baby. Nabuntis ito ng dating nobyo at ayaw ng tumuloy sa kasal. The almost-perfect daughter is now doomed. Ang pagmamakaawa nito sa kaniya ang nag-udyok na piliin niya ang isang bagay na magpapabago sa kaniyang buong buhay. She has to marry Nicolas Syn Gazalin to spare her sister's life. Siya ang pumalit sa kaniyang kapatid sa araw ng kasal. Now, could love bloom after their sudden marriage? How could Nicolas loves her when she's just his sudden bride? How could love makes its way when they are both forced for this marriage?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
You caught me, Mister

You caught me, Mister

janeebee
" YOLO " is her life motto. Sa edad na bente tres anyos, walang ginawa si Devon Valencia kundi ang magpakasaya sa buhay at waldasin ang perang ibinibigay sa kaniya ng ama. Wala siyang pangarap sa buhay—o kung mayroon man, hindi niya iyon alam at wala rin siyang balak alamin dahil alam niyang siya rin naman ang hahawak sa negosyo ng pamilya nila pagdating ng araw. Young, wild and free. Literal ang pagiging malaya ng isang Devon Valencia para gawin ang lahat ng gusto niya. Sa isang pitik lang ng daliri niya, nasa kamay na niya ang hinahangad niyang makuha, maliban na lamang ang atensyon ng isang binatang kabaliktaran ng ugaling mayroon siya. Isang maginoo,responsable at matipunong lalaki, Pablo Santino Regalado. Isang magsasaka na ang tanging hangad ay maiahon sa hirap ang kaniyang magulang. Sa edad na bente sais, naka-plano na ang gusto niyang mangyari sa buhay dahil maaga siyang namulat kung gaano kalupit ang realidad. Nakahanda siyang gawin ang lahat maibigay lang ang buhay na ipinangako niya sa pamilya. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng pagtatalo ang isip niya nang alukin siya ng isang trabaho na may magandang suweldo at wala siyang ibang gagawin kundi ang bumuntot sa magiging amo niya. Kung tutuusin, walang nakikitang problema ang binata sa pagiging isang bodyguard dahil batak naman ang kaniyang katawan at nakasisiguro siyang kaya niyang gampanan nang maayos ang trabahong ibinibigay sa kaniya. Subalit 'yong ideya na isang matapobre ang dalagang babantayan niya, tila mas gugustuhin pa niyang makasama ang mga kalabaw na ilalim ng araw. Kapag binato ka ng tinapay, batuhin mo ng palaman. Kapag nahulog ka sa taong hindi nagpapakita ng interes sa'yo, siguraduhing may bitbit kang hagdan.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
And Then I Kissed Him

And Then I Kissed Him

Cassandra Sayson, graduate ng apat na taong kurso ng business administration ay sumama sa graduation party na sponsor ng kanilang departmento na ginanap sa beach resort. Sa isip pa ni Cassandra, she has nothing to lose dahil natapos na niya ang apat na taon na pag-aaral sa college. May diploma na siya, hindi na masama ang mag-enjoy kahit isang gabi lang. Simula ng mag-aral siya mula elemtarya hanggang kolehiyo ay hindi pa niya naranasan ang gumimik, kaya sa beach resort ay tinodo na ni Cassandra ang maging masaya at malaya upang maranasan ang mag-enjoy sa party ng walang pakundangan Sa kasagsagan ng kasiyahan ay nalasing si Cassandra kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nauwi sa tuksuhan at isang dare ang nangyari. Ang dare ay pumili ng lalaking halikan, kahit sinong lalaki na trip niyang halikan. Napadako ang tingin niya sa isang matangkad, matipuno at guwapo na lalaki. Ang lalaking hinalikan ni Cassandra ay ang tanyag na Doktor Adrian Razon na mula sa bilyonaryong pamilya. Namangha si Dr. Razon ng masilayan ng masinsinan ang babae dahil kamukha ito ng kaniyang girlfriend na si Sharon, nasa Amerika at comatose. Isang linggo ang lumipas pagkatapos ng insidente ng halikan sa party ay kinausap ni Dr. Adrian Razon si Cassandra at nag-offer ng proposal. Gusto niyang magpanggap si Cassandra na kaniyang girlfriend at maging asawa. Pumayag si Cassandra , nagkasundo silang dalawa na gumawa ng kontrata na ang pagpapanggap ay sa loob lamang ng dalawang taon. Isang taon pa ang lumipas ng pagsasama nina Dr Razon at Cassandra ng malaman ni Cassandra na siya ay nagdadalang-tao. Gusto niyang sabihin Kay Adrian na dinadala Niya ang anak ng doktor, subalit hindi Niya nagawang magtapat pa ng bigla namang nagpakita ang Isang babae na nagngangalang Sharon.
Romance
1011.6K viewsCompleted
Read
Add to library
AKIN ANG HULING KONTRATA

AKIN ANG HULING KONTRATA

   Si Sabrina ay isang anak isang napakayamang ankan ng mga Isidro. Ngunit sa kasawiang palad nalulong ang kanyang ama sa sugal,at ibininta nito ang lahat ng  kanilang ari-arian hanngang sa wala ng natira sa kanila ng kanyang ina kundi ang nag-iisang bahay nalang nila. Dahil wala na nga silang pwede pa'g ibenta ay siya ang naisipang ibenta nito sa isang bilyonaryong pinagkakautangan nila. Walang magawa si Sabrina kundi ang pumayag dahil naawa sya sa sitwasyon ng kanyang ina kung hindi sya papayag sa gusto ng kanyang ama ay sasaktan niya ito ng sasaktan. Si Sabrina Isidro ang may pinakamagandang mukha sa kanilang lugar ,at halos lahat ng lalake ay nagkakandarapang mangligaw sa kanya pero napunta lang ito sa isang matangdang mayaman na si Don Arturo Agman, sa edad na dalawang pu't anim na taon ay kailangan nitong ibenta ang sarili para lang mabayaran ang malaking pagkakautang ng kanyang ama. Pumerma ito ng kontrata na sa loob ng dalawang taon na hindi mabayaran ng kanyang ama ang lahat ng kanyang utang ay peperma ito ng kahulihulihang kontrata ang maikasal sila ni Don Arturo Agman. Makikilala ni Sabrina ang ampon nitong anak na si Samuel iibig silang pareho ng patago dahil alam ni Samuel ang ugali ng kanyang kinikilalang Ama. Magdurusa si Sabrina sa isang matandang hindi niya mahal at matatali sya dahil sa kanilang pagkakautang subalit makakaranas naman sya ng sarap pag kasama nito si Samuel  hahanap ng paraan si Samuel na makabayad sila ng utang dahil gusto niya na sa kanya mapunta ang huling kontrata yon ang makasal kay Sabrina. Kaya masasabi nito ang katagang akin ang huling kontrata. Sa kabila ng ginawa ni Samuel sa kanya parin ipinamana ang ari-arian ni Don Arturo. At namuhay na sila ng malaya ni Sabrina.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia' Seeds Thief

The Mafia' Seeds Thief

Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na si Lucky; marami na siyang naipon na pera at may sariling bahay. Ito rin ang paulit-ulit na hinihiling ng kanyang mga magulang. Isa lang ang problema ni Lucky: dumaranas siya ng genophobia, isang mental health disorder na nailalarawan sa pamamagitan ng takot sa sekswal na intimacy. Walang ibang nakakaalam sa kalagayan niya bukod sa matalik niyang kaibigan na si Genesis. Maging ang sariling pamilya ay walang kamalay-malay dahil natatakot siyang kutyain ng iba ang kanyang kalagayan; kaya, hindi solusyon ang pag-ampon sa kanyang pagnanais na magkaroon ng anak. Isang opsyon lang ang maiisip niya: IUI, isang medikal na pamamaraan kung saan direktang itinatanim ang sp*rm ng isang lalaking donor sa matris ng babae. Sinabi ni Lucky kay Genesis ang tungkol sa kanyang plano, at sinuportahan siya ng kanyang matalik na kaibigan; gayunpaman, nang sabihin niya na gusto niyang si Genesis ang kanyang sp*rm donor, tumanggi ang lalaki, na sinasabing ayaw niyang managot sa sinumang babae, lalo na kay Lucky. May paraan na, pero hindi inasahan ni Lucky na mahihirapan siyang kumbinsihin ang matalik na kaibigan, kaya naman gumawa ng krimen si Lucky isang gabi matapos makipagtalik si Genesis sa kanyang flavor of the month; ninakaw niya ang ginamit na condom ni Genesis. Magtatagumpay kaya ang insemation ni Lucky? Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Genesis dahil sa makasarili niyang desisyon? Mawawasak ba sila o may bagong pag-ibig ang uusbong sa panahong sinubok ang kanilang pagkakaibigan.
Romance
1016.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
123456
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status